Chapter 22: Her Abhorrence Gift

43 12 0
                                    

A/n: Late update. Salamat sa patuloy na nagbabasa. Lalo na sa mga nagvo-vote. ↖(^▽^)↗
Pasensya na sa wrong grammar/typo error. Intindihin nyo na lang. Hehe..

__________

Chapter 21: Her Abhorrence Gift

R a i x e l l e ' s P o V

I almost forgot to trail the events in the past few days. Parang dumaan lang ang panahon at hindi nag-sink in sa utak ko. It was totally surreal for me. But then, I never felt so lonely except today. Tama nga ang sinabi ng teacher namin sa Philosophy. Kapag daw malungkot ka, tingin mo ang mga taong nakapaligid sa'yo ay masaya. And that's what I feel right now. Wendy's happy with Monti, and Luice seems contented with Priston's company. I feel like I'm certainly left behind...literally.

Wala manlang ako kasabay sa pag-uwi. Kahit kasabay lang hanggang sa paglabas sa school wala. As usual, may date ang dalawang couple, Wendy and Monti. Eh 'yung soon-to-be palang may date 'rin. Wala pa namang february 14, pero ramdam ko na 'yung langgam sa paligid ko. Gusto nga sana nilang magdouble date ang kaso nag-alangan si Wendy dahil wala naman akong kasama na alam nyo na. They even teased me to bring Euan next time but I definitely disagree! Hindi naman sila si Kupido para i-match make kaming dalawa.

Anyways, si Euan naman hindi pumasok. May sakit daw sabi ni Tita Redge, ang mommy ni Euan. Trinangkaso raw sya sa pagp-painting. Halos buong araw ba naman daw nakakulong sa kwarto at nakakalimutang kumain. Is it even possible? O baka mahina lang talaga resistensya nya.

And Tanawat...

He was still the same. Late na syang umuuwi. May pagkakataon na parang hindi sya mapakali at palaging salubong ang kilay. We often talk because he was always focused to his own business. Minsan palaging bukang-bibig nya si Tylie. Tylie 'ron, Tylie rito. Tylie-an ko kaya sya sa kwarto para hindi sila magkita! Hays. I just missed him.

At siguro ako na ang pinakatangang tao sa naging desisyon ko the last time na nagkita kami ni Tylie.

"...I just want to asked a help from you...for our anniversary." I was stunned for awhile.

"H-huh?"

"Oh! that would be great Tylie." Euan's Mom exclaimed.

Tylie smiled at me. "What do you think?"

I was stoned and couldn't find the right word to say. Para atang nabuhol ang dila ko sa sinabi nya. Why would she needed my help to surprise Tanawat... of all people ako pa? How ironic.

"B-bakit ako?"

Ngumiti ito. "Because you live in the same roof with him. He also mentioned that you are his good friend. Kaya sa tingin ko ay baka makatulong ka sa mga alam mo na..." she grinned. "...sa mga pinaplano ko."

"Ahh..h-hindi ko-" nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko. I can see her eyes pleading and for a moment, parang may kung anong humaplos sa aking puso.

"Please. I missed him and I just want to make up with him. Please, Raixelle." A moment of silence then I unconsciously nodded to her.

And that was the time I realized how pathetically insane I am.

Mariin akong napabuntong hininga bago ako nabalik sa reyalidad. Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako sa school. Pauwi na kasi ako at nasabi ko 'rin kanina na wala akong kasama for some reason. Hindi ko naman pwedeng bulabugin si Tanawat dahil ayaw nyang may umiistorbo sakanya. I appreciated that he hired some people to look after me. Dahil delikado ang panahon ngayon kung mag-isa lang ako. Pero kasi...hindi ba pwedeng sya nalang? Hindi ba pwedeng ibalik nalang 'yung dati?

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon