Chapter 15: Revelation: Danger and Heartache

92 14 0
                                    

A/n: May nagbabasa pa ba? Hahaha... So ayon alam kong matagal talaga akong mag-UD. *^O^* pero susubukan kong padaliin sa aking maabot na kasipagan.

Enjoy reading!

______________________________________
_____________________________________________

Revelation: Danger and Heartache

Raixelle's Pov

Matapos ang insidenteng nangyari sa school. Nalaman kong napag-utusan lang pala ni Mama si Tanawat na sunduin ako. Nag-disguise naman ang mokong, syempre para hindi sya makilala ng mga fans nya. Ngayon naman, napilitan sya ni Mamshy na tumulong sa palengke. Holiday kasi ngayon kaya panigurado maraming tao ngayon. Kahit tutol ako, wala akong nagawa. Kasi yon ang gusto ni Mother Earth. Last time kasi puro arte lang ang ginawa ng gunggong. Kesyo hindi raw sya bagay don.

Sarap sapakin diba.

Hindi naman sya nagkaron ng second thought nung tinanong sya ni Mama na kung gusto nya raw ba tumulong sa pagtitinda. Basta pumayag agad sya. Hay nako, wag lang yan nagrereklamo sa mga maamoy nya pati sa samut-sating ingay sa loob. Kundi mababasag ko ang kayamanan nya!

"Bili na kayo 'te. Murang-mura lang." sabi ko sa mga nagsisidaang mga tao. "Kumpleto na ang sangkap sa bahay kubo dito. Kulang nalang ng tao sa loob. May bonus pang mga fresh na isda. Bili na!"

Okay sige daanan nyo lang ako. Importante pa naman ang gulay at sariwang isda sa katawan!

"If you continue showing that face of yours..." panimula ni Tanawat habang nakatingin sa lukot kong mukha. "...The customer will not enjoy buying your goods. Ngumiti ka naman para ganahan sila."

"Paki mo!"

"Tss." sabi nito saka umirap. "Pangit na nga, pumapangit pa lalo." pabulong nyang anya.

"Hoy narinig ko yon ah! Napakapasmado nyang bunganga mo!"

"So?" ang galing talaga nyang manira ng araw! Malilintikan talaga to sakin eh.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Mama. "Oh nag-aaway ba kayo?"

"No tita. Nagbibiruan lang po kami ni Rangrang." ngingiti-ngiting tugon nito.

Rangrang?! At saang dimensyon ng mundo nya nakuha yon?!

"Ahh ganun ba. O sige, maiwan ko muna kayo uli. Kasi hindi ko pa tapos itong mga pautang. Binisita ko lang kayo. Pagbutihin nyo ryan ah." tango lang ang sagot namin bago tuluyang umalis si Mama.

Agad ko naman syang hinarap. "Anong Rangrang?! Wag mo nga ako binibigyan ng nickname, hindi tayo close."

Tumawa naman sya at bigla nalang ngumisi. "How close do you want?" humakbang naman sya papalapit saakin. "This close or..." yung mukha naman nya ang sinunod nito. Palihim akong napalunok ng mapansin kong gahibla nalang ang pagitan ng mukha namin. Maling galaw mahahalikan nya na ako. "...this closer? If you'd ask me. I choose to be this closer to you." bigla naman syang napa-lib bite sa harap ko.

Putek! May balak ba syang akitin ako?? Kung oo, shemss gumagana! Heart huminahon ka. Baka mahalata nyang naghuhuramintado ka sa bilis!

"L-lumayo ka nga!" Mabilis ko naman syang tinulak ng maisip kong maraming tao ang makakita sa ganitong posisyon namin. Baka kung ano pang isipin nila. Ayoko pa naman ng issue. "Magtinda ka nalang dyan." tinawanan naman ako ng loko.

Lakas talaga ne'to mantrip. Hindi ko alam kung saang specie to nagmana. Tsk.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Baka makalbo a ako ng wala sa oras dahil sakanya. "Bili na po kayo mga magagandang dilag." bigla naman akong sa katabi ko na may malawak na ngiti sa mukha. "Vegetable and fish is good for the heart. Buy one of these, and i'll be in your heart."

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon