Chapter 9: Meet the Saviour!

264 17 0
                                    


Chapter Nine
Meet the Saviour!

It's exactly 7:46 in the morning at kakatapos lang magluto ni Mama ng agahan. Mula sa kusina ay hanggang dito sa sala ay abot ang mabangong amoy ng pagkain. Hindi naman napigilang tumunog ang nag-aalboroto kong tyan. Hehe. Sensya na gutom lang. Then, tinulungan ko na si Mama na maglatag ng almusal sa mesa. "Tawagin mo na ang Papa mo." tumango lang ako at pumunta sa living area. Naabutan ko si Papa na tawa ng tawa dahil sa pinapanood nya. Sunday kasi ngayon, kaya wala syang pasok.

"Paps, kain na." bahagya naman syang lumingon saakin at binalik ang atensyon sa Tv.

"Susunod ako. Gising na ba yung boypren mo?" he teased.

Then I narrowed. "Kagabi ka pa Paps." Nung malaman kasi ni Papa namay dinala akong lalaki rito. Kahit pa sinabi ko na ang dahilan. Eh pinaulanan ako ng pang-aasar sakanya. Dumada-moves daw ako para makasama ang lalaking yon. He even accused me that i always stalking him. Bagay talaga ang mga magulang ko sa isa't isa. Parehas malakas man trip. Tssk!

"Di ka pa nasanay sakin anak. Binibiro lang kita. Pero ipapaalala ko sayo. No boyfriend. Mag-focus ka muna sa studies mo. Ok."

"I know Paps."

"Good. Puntahan mo na sya at gisingin." sumunod nalang ako at nagsimulang maglakad.

Nasa tapat na ako ng pinto at hindi na nag-alangang buksan ito. As usual, tulog pa rin at muka namang komportable sya sa kinahihigaan nya. Samantalang ako sa sofa natulog kagabi. Eh ayoko ngang makasama sa iisang kwarto ang lalaking to. "Hoy gising na batugan." sabi ko at tinapik-tapik ang braso nya. Pero walang epekto kaya yinugyog ko sya.

"Wake up sleepy head!" Bigla naman syang tumagilid at tinalukbong ang unan sa mukha nya. "Hoy sleeping beauty. Gumising ka na!"

"Aish! Get out Glenn."

"Anong Glenn ka dyan?! Mabuti pang bumangon ka na. This is not your room moron!" sabi ko sabay cross arm. Napatanggal naman sya bigla ng unan sa mukha. Then he observed the place he was staying in. His eyes widens and darted to mine.

"You again?!" gulat nyang anya saka napabangon sa pagkakahiga. "Why am I here? What did you to me?? Did you actually kidnapped me?! For what.. for money?" sunod-sunod nyang tanong. Bahagya namang napaawang ang bibig ko. Grabe imagination neto ah. Masyadong judgemental.

"Ano ako kidnapper?! Tingin mo sakin masamang tao,ganon ba. Don't you remember. Binugbog ka kagabi. Nakita lang kita. And be thankful because I was there. Baka hindi ka na sinikatan ng araw kinabukasan. But unfortunately, na gawa mo pa akong sukahan. You even not tell me about your address. Kaya pano kita madadala sa bahay nyo. So I have no choice na dalhin ka rito." napatahimik naman sya saglit at biglang napatingin sa damit nya.

"This is not my shirt."

"Ako ang nagpalit ng damit mo kagabi." napansin kong lumiit ang singkit nyang mga mata. "Wag kang mag-aalala. Wala akong ginawang masama sayo. I don't have the guts to take advantage to someone like you."

He sighed. "Well..thank you. Sorry for the inconvenience but I have to go." then he sudden stood up. Pero bago pa sya makalakad ay hinarangan ko sya.

"Gusto ng mga magulang kong dito ka na magbreakfast."

"No need." Walang expression nyang tugon at nilampasan ako.

Dere-deretso syang bumaba ng hagdan habang nakasunod ako sa likod nya. Pagkarating sa sala ay saktong naglalagay na ng pagkain si Papa sa plato nya. Samantalang si Mama, papaupo palang pero naudlot iyon ng makita nya kami. "Oh.. iho. Mabuti't gising ka na. Halika, saluhan mo kami sa agahan." Anya ni Mama.

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon