Chapter 29: Confession

47 10 0
                                    

RD: naka-draft palang may reads agad. Anong kaechosan ito?? (--〆)

Anyway, iwanan nyo naman ako ng votes or comments. Para malagyan ng grasa 'tong utak kong pumapalya na. Huehuee..

***
“Choose Rai.” pag-ulit naman ni Tanawat. “Me or Euan?”

I think my tounge has been tied for a moment. Pinagmasdan ko lang sya na naghihintay sa aking sagot. Hindi naman matago ng puso ko ang pagkasabik ng makita syang muli. But I restrained myself not to hug him and tell how much I missed him. Akala ko hindi na sya babalik dahil nand'yan na si Tylie. Pero hindi maikakaila na natuwa ako ng nandito na sya sa harap ko.

Now that he's here, I want to talk to him.

Handa na sana akong ibuka ang bibig ko nang tumunog ang phone nito. “Wait a second.” paalam nya bago sinagot ang tawag.

“Oh.. Hi babe.” then my heart pinched again. “I'm here infront of Raixelle's school— yeah... I finished some stuffs then I drop off here to take Raixelle home—okay. I'll be there don't worry. I Love you too.”

Pagkatapos nilang mag-usap ay nag-iwas agad ako ng tingin sakanya. Then I smiled at Euan. “Ihatid mo na'ko.”

I sudden clung my arm to his then gaze again to Tanawat. Nakita kong dumako ang kanyang mga mata sa nakakawit kong braso na syang dahilan upang magsalubong ang kanyang kilay. “I'm fine with Euan. Sakanya ako sasabay.”

He clenched his jaw. “Are you sure? You want to be with that douche?” dissapointment was visible to his eyes.

“Ano bang pakialam mo kung gusto nya sa'kin sumama? You're not even his boyfriend to begin with.” mapang-uyam na ngisi ni Euan.

“And you are?” mariin ngunit sarkastikong tugon nito.

agad akong pumagitna nang mapansing nagkakainitan na ang dalawa.

Pinisil ko ang braso ni Euan.“Tara na ihatid mo na ako.” at muli kong tinignan si Tanawat. “Mauuna na kami. Sa bahay nalang tayo magkita kung wala ka ng ibang pupuntahan.”

Walang pasabing hinila ko si Euan at hindi lumingon pa sakanya. Ayokong makita ang mukha nya. Baka bumigay lang ako at makalimutan ang sakit na dinulot nya sa'kin.

“Ayos ka lang?” alalang tanong ni Euan ng makasakay kami sa kotse nya.

“Yeah. Bakit naman hindi?”

“I don't know. I just felt that you're avoiding kuya. May ginawa ba sya sayo?”

Mapakla akong tumawa para itago ang kaba.“Sya may ginawa? Wala noh. We're..we're totally fine. Ayaw ko lang makaistorbo kay Tanawat dahil alam kong busy sya. Plus, ngayong nakabalik na si Tylie baka kailangan nyang ituon ang atensyon nya sa girlfriend nya di'ba?”

Sandali syang tumingin sa akin at seryosong bumalik sa daan. “He's no good for you Raixelle. May Tylie na sya at for sure, soon enough kuya will propose to her.”

I felt something inside me shattered in pieces. Nanlumo ako nang maisip na ang lalaking mahal ko ay magpapakasal sa babaeng kailan man ay hindi magiging ako. Hindi imposibleng pakasalan nga ni Tanawat si Tylie. Dahil sa araw ng anniversary palang nila, kitang-kita ko kung gaano sya kasaya. At ibang-iba 'yon kapag kami ang magkasama.

“B-Bakit mo 'to sinasabi saakin?”

“I'm not blind Raixelle. The way you look at him earlier...” hinigpitan nya ang manibela. “I know you have something for him. Alam kong me'ron na syang espasyo d'yan sa puso mo! Maybe you're good at words... but you can't deny it from your actions.”

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon