Raixelle's Pov
Ang aga-aga puro chismisan ang naririnig ko sa paligid. May lahi ata silang bubuyog. Ang hilig bumulong eh rinig naman. Pagkatapos ng issue kahapon may panibago ulit. Putek hindi na naubusan. Maraming nagsikalat na story teller sa pinas. Kung hindi fake...pasalin-salin naman ang kwento. "Legit besh! The old Priston was back."
Speaking of that guy, yan ang palagi kong naririnig sa bawat sulok ng campus. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Nagfade nga yung issue tungkol saakin. Pero matutuwa ba ako kung-
"Confirm nga! Those stolen photo was the evidence. May kasamang ibang babae si Priston. " napailing nalang ako sa mga babaeng busy sa pagtitig sa phone nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang binaybay ang daan papunta sa cafeteria.
Lalo nyang pinatunayan na hindi talaga sya seryoso sa kaibigan ko. Nasa sistema na nga nya ata ang pagiging babaero.
I should've known!
Pagkaupong-pagkaupo kalang sa tabi ni Luice ay narinig ko na naman ang usapan ng iba. Lalo na marinig ang pangalan ko. "So it's not true about the girl named Raixelle. Wala talaga silang relasyon ni Priston."
"Maybe? Or baka kasama sya lang sa mga laruan nya." at sabay silang tumawa. Napapikit ako ng mata habang hawak ang sintido ko. Wala na ba silang alam kundi pag-usapan ng buhay ng iba?! Nakakaimbyerna ah!
"Ang aga-aga yang nguso mo abot na hanggang EDSA. Anyare sayo?" Tanong ni Wendy na katabi naman as usual is Monti. "Wala. Di lang maganda gising ko." sagot ko naman.
"Sinong niloko mo. Sa muka mong yan halatang nagsisinungaling ka." patutyada naman ni Luice. "Kilala ka namin Raixelle. Something's bothering you. So spill it."
I heaved a sigh. "Sige na nga. Mapilit kayo e." then I paused. "Nanaginip kasi ako kagabi. Sinakop daw ng aliens yung mundo. Tapos kinain nila yung utak ko. Kaya naging zombie ako. Tapos biglang-" nakatanggap agad ako ng batok mula sakanya.
"Aray ah! Ba't ka nambabatok?!"
"Sisihin mo yang pagkaweirdo mo." inis nyang anya.
"Hindi ko alam kung bakit ka namin naging kaibigan. Andaming makamundo dyan sa isip mo." anya naman ni Wendy.
"She's Raixelle what do you expect?" tatawa-tawang singit ni Monti.
"Tss. Nagtanong kayo, sinagot ko lang. Tapos maiinis kayo sakin."
"Ewan ko sayo." Ani Luice.
I just stayed silent. This is my first time na madawit sa isang issue'ng wala namang katotohanan. Hays, dumadami na talaga ang mga taong verbally judgmental. Hindi nila sinusunod ang kasabihang 'Don't judge the book, if you're not a judge'. Kaya mag-iingat kayo sa mga fake news na nagsikalat. Wag munang magconclude kung hindi firm ang evidence!
Kailangan ko uling makausap si Priston about sa chismis na nasagap ko patungkol sakanya. Kasama na rito ang kagustuhan nyang ligawan ang kaibigan ko. If he's serious about courting Luice then prove it! Kasi kung babalik lang naman sya sa pambabae nya, hindi ko na ipagkakatiwala ang kaibigan ko sakanya.
MABILIS NA LUMIPAS ang oras, as usual kasama ko ang girlfriends ko at si Monggi na nagiging julalay ni Wendy. Sya lang naman ang taga-bitbit ng bag nya. Nahihiya na nga ako rito kasi nakakabulabog na ang tili ni Wendy. Kanina pa nagsisitalon sa saya at ilang beses na akong niyuyogyog ng loka.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!! You know naman na bias ko sya. And the fact na nakatira sya sa bahay nyo- kyahhhhh... OMG! I hate you beshyyy." tili nya saka pinaghihila ang blouse ko.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Teen FictionShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...