Chapter 25: What Mine is Mine

62 11 0
                                    

...
Kanina pa ako tahimik matapos baybayin namin ang daan. Palaging binabasag ni Euan ang katahimikan pero agad ko naman 'yung pinuputol. Napansin nya 'yon pero simpleng ngiti at iling lang ang sagot ko.

Ang tanging nasa utak ko lang ay ang nasaksihan ko kanina.

Tylie is cheating!

I clutched my fist. Ang lakas nyang manghingi ng tulong sakin. Napaniwala nya akong tapat ang pagmamahal nya kay Tanawat. Pero hindi ko akalain na magagawa nyang magloko. Ang ganda-ganda pa naman nya at muka namang mabait. Tch! Well, looks can be deceiving ika nga.

Matapos akong ihatid ni Euan ay madali akong nagpaalam. Alam kong pareho kaming pagod kaya kailangan namin ng mahabang pahinga.

Walang imik akong pumasok sa loob at umabot agad sa tenga ko ang tugtog na galing sa salas. Huminto ako roon at nanlaki ang mata.

"Ninety-eight...Ninety-nine... One-hundred."

Matapos nyang magknee-to-elbow crunches. Tumayo sya at inabot ang towel na nakasabit sa sofa. Beads of sweat was cascading against his toned body. He gently rubbed the towel to the side of his face down to his neck and along to his—gulped, Abs.

Alam ko sa umaga lang nagbebenta ng pandesal? Kailangan ko ata ng kape.

"Finally."

"Ay kape!"

"You want coffee?" tanong nya saka sinampay ang towel sa leeg nya.

"Ahh..h-hindi. Ano k-kanina ka pa rito?"

He turned off the music then lounged over me. I couldn't steady my gaze against his deep stares. Pakiramdam ko may mali akong nasabi sakanya. "Less than a fvcking three hours waiting you in this damn house! Ikaw? Bakit ka ginabi? Sino ang kasama mo?"

"G-galing ako sa bahay nila Euan kasama ang mga ka-member mo sa Eighty-One. Tapos pumunta kami ni Euan sa peryahan. Masyado kaming nalibang kaya hindi ko rin namalayan ang oras. Sya rin ang naghatid sa akin." walang hinto kong anya. Kita ko ang intensidad sakanyang mga mata. Pati ang mariing paggalaw ng panga nito kaya lalo akong kinabahan.

"I see. You're that close to my brother. Ano pang ginawa nyo?"

"W-wala na. 'Yon lang talaga." Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagagalit sya sa akin. Ligtas naman akong nakauwi pero para syang tatay ko na manenermonan matapos makauwi ng gabi.

"Ito ba ang ginagawa mo kapag wala ako? Hang-out with Euan without my permission?"

"Ano namang masama 'ron?"

Now it's my turn. Wala naman syang sinabi na kailangan pa ng permiso nya para sumama ako kay Euan.

"Palagi ka namang busy tapos magagalit ka kapag naistorbo ka! Kaya bakit pa ako magpapaalam sayo." dagdag ko. "Puro ka Tylie, eh niloloko ka naman non!" I whispered.

"You were supposed to be here after your class ended! Wala ka dapat ibang pinupuntahan. Your life is at stake!—" then he moved forward as his sharp eyes still locking our gaze. "From now on, you will stop hanging around with your friends, even Euan. You here me?"

Halos magdikit na ang kilay ko. Hindi ako makapaniwala na masasabi nya ang mga ito. "You can't just dictate me, Tanawat. Mga kaibigan ko pa rin sila at ako masusunod kung ititigil ko ba o hindi ang pagsama sakanila. You told me your men was watching over me. Edi hayaan mo silang gawin ang trabaho nila!"

"Why don't you just tell me you wanted to be with my stupid brother!"

"Where the hell did you get that? Bakit ka ba ganyan sa kapatid mo?!"

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon