Chapter 41: Blurred

39 4 0
                                    

***
That night Zester didn't say anything, not a word. To her surprise, he just grabbed her and send her home. Ilang ulit siyang tumutol dahil kailangan nyang hanapin ang kaibigan at makasiguradong maayos ito.

Naging panatag siyang sabihin nitong nakita niya si Panda na hinatid ni Sham na kabarkada nito. Sham is a nice guy. She didn't have to worry about her friend's safety.

Today she'll visit Panda to her home. Nag-aalala siya rito kung anong kalagayan niya. She's hurt and broken. At alam na alam niya kung anong pakiramdam nito. Ang maling ginawa lang nila ay ang maglagay ng mataas na expectation na mataas din ang tyansang masaktan sila.

The more you expect, the more you get hurt. They assumed things that doesn't exist but to their minds. Solid ang kilig pero solid din ang sakit.

Nang matapos siyang makaligo at magbihis ng simpleng damit ay bumaba ito ng hadgan. Naabutan niya ang ama na kumakain ng pananghalian sa mesa. "Pa tapos na kayong mangisda?"

"Di pa nak. Babalik uli kami ng tiyo mo. Sumadya muna kaming kumain." sumubo uli ito nang nakakamay. "Ikaw kumain ka na ba? saluhan mo na ako rito."

"Tapos na ko pa. Si mama pala? hindi ko sya nakitang umaga?"

"Hindi ko rin alam. Basta ang sabi niya may pupuntahan lang daw sya."napatango nalang ito. She hesitated to tell her father about yesterday- her mother was crying over something. And she couldn't tell what it was.

"Ahh pa...pupunta pala ako sa bahay ni Pan Danileen." paalam niya.

"Sige, mag-ingat ka."

Nasa kalagitnaan siya ng daan nang biglang tumunog ang phone nya. It's unregistered number. Every time she receives messages or calls that was unregistered, it makes her anxious. Mukang natrauma na siya sa mga nangyari sakaniya.

Hindi naman niya ito mapatay dahil sa kuryusidad. Malay niya hindi naman ito ang iniisip niya?

"H-Hello?"

"Raixelle is it you?" it was a voice of a woman. At pamilyar ito sakaniya.

"Opo ako nga po."

"This is Euan's mother. Still remember me?"

"Yes po. Bakit kayo napatawag? At paano nyo nalaman ang number ko?" Sa pagkakaalam niya ay hindi niya sinabi o binanggit ang numero niya sa mga kaibigan nito.

"Hindi na 'yon importante. I called you because of my son. I don't know what did you told him but it made him worse. Nag-aalala na ako sa inaakto niya. Hindi na siya kumakain ng maayos, pati sa pagtulog. Natuto na rin siyang maglasing! Ano bang sinabi mo at nagkakaganiyan siya?"

Nanikip ang kaniyang dibdib. She feel so terrible because of what she did. Hindi niya akalain na magkakaganito ito. Bakit niya kailangang sirain ang buhay nya?

"I-Im sorry tita. Hindi ko ginustong magkaganiyan siya. W-Wala akong ibang choice p-para lumayo siya sa akin..."

"Why? Why are you pushing him away? May ginawa ba sya sayo?"

"Wala po, wala. Hindi ko kayang sabihin ang rason. But i'm sure, we're better off this way. Pakisabi sakanya na humihingi ako ng tawad. I hope he still forgive me."

Ilang sandali itong hindi nagsalita sa kabilang linya. She sighed. "Sana mali ang iniisip ko... sana wala itong kinalaman sa asawa ko."

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon