Chapter Eight
How Should I Handle You?Nandito ako ngayon sa taxi kasama pa rin ang lalaking to. I just texted Luice na mauuna na ako sa pag-uwi. Ayoko ngang makita nila akong ganito lalo na ang unknown specie na to. Madagdagan pa ang issue ko. "Hoy mister..san ka ba kasi nakatira. Para madala na kita ron??" kanina pa kasi ako tanong ng tanong sakanya. Pero wala akong matinong sagot na nakukuha.
"Ughh..you're so noisy!"irita nyang tugon. Napatakip nalang ako ng ilong. Amoy alak ang isang to. Halatang wala na sa wisyo."Alam mo nakakainis ka na! pag ako nanggigil..."
"So... are you gonna take my shirt off now and-play in fire? Just like what they wanted. I'mma right?" then he smirked. Tumaas naman bigla ang balahibo ko. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ako rapist para gawin ko yon noh. Over my dead, sexy, gorgeous, and delicious body! Ibibigay ko lang ang sarili ko sa taong mapapangasawa ko. Bantay-sarado kaya sakin si bataan. Tch. Akala nya ba kaming dalawa lang ang nasa loob. Nakakahiya kay manong driver. Baka kung anong isipin nya.
"Magkape ka nga para kilabutan ka naman!"irita kong sabi. Nahihibang na talaga ang isang to. Kung anu-anong lumalabas sa bibig. Haist! Nang sakto namang maamoy ko bigla ang sarili ko."Litsi! Para akong nagpabango ng suka. Lakas maka-perfume made in your stomach. May factory ka ata ng lugawan eh!"
Napasandal naman sya sa bintana habang nakapikit. "You're one of my avid fans ..right?" nagsalubong naman ang kilay ko. "That's why... you're always following me."
Wtf--! Ako.. Avid fan nya at palaging sinusundan sya??!? Wow.. Joke yon? Dapat na ba akong tumawa. Eh hindi ko nga sya totally na kilala. Maging fan pa kaya nya?!? Nakasinghot ba to ng tinta ng ballpen.
"Wag kang assuming. Di ako aso para habulin ka. At lalong hindi ka artista para maging fan mo!"
He chuckled. "Really? Don't be shy. I'll give you my autograph and a picture with me."
"Kapal mo noh!"
"Why??"putol nya. Saka minulat ang mata nito at tumingin saakin. "You've plan everything just to get my attention,right. Hahah. The girl who has a cheap bag. First on the mall.. And then the cafe, and lastly...now? You-are-a-real-stalker slash an insane fan of mine." narinig ko naman syang mahinang tumawa.
"Aba! Hoy mister para sabihin ko sayo. Hindi ako mahilig pumatol sa mga takas sa mental. Sumobra naman ata ang hangin dyan sa ulo mo."
"Oh, are you mad...baby? Do you want me to give you a---cub again." he teased. Waaaa! Naalala ko na naman yung ginawa nya. First kiss ko yun eh! Naka-reserved na to sa lalaking mamahalin ko..soon. Tapos.. tapos---
"Ehem.." nakita ko naman si manong driver na nakatingin sa amin habang gamit ang front mirror nitong kotse. "Saan po ba kayo ng kasama mo ma'am?"
Sighed. I have no choice. I don't even know his address to drop this guy alone. Tinignan ko naman si mokong na himalang mabilis makatulog. Dedbat agad.. Tssk! Di naman pwedeng iwan ko lang to sa daan. Syempre may puso pa rin ako. Baka kapag naaksidente to..konsensya ko pa. Tapos dalaw-dalawin nya ako sa panaginip. Hanggang sa bangungitin ako at hindi na makagising!
---
"Dito nalang po kami manong." pagkatapos kong magbayad ay ginising ko na yung katabi ko. Medyo nahirapan pa ako sakanya. Dahil sa nakainom nga sya. Nilagay ko uli ang braso nya sa balikat ko at inalalayan sya palabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Teen FictionShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...