Chapter 28: Emersion

41 8 0
                                    

***
Ito ang araw ng Emersion namin kaya abala kaming buong section sa pag-aayos. Each section has its own scheduled day and now it's our turn. Seven o'clock ang start ng kanya-kanya naming klase. Pero depende 'yon sa schedule ng bawat isa kung vacant or hindi ang subject na hawak nila.

Kay Ma'am Gadac ang nakuha naming sched. Kaya Culminating Activity at 21st Century lang ang subject na tuturuan namin ni Euan with the other two GAS students. Nag-iisang section lang naman kasi ang GAS kaya sinama nalang sila sa Emersion.

Actually, kami nalang na HUMSS at GAS ang hindi pa nagkaka-Emersion. Tapos na ang ABM sa sarili nilang Mini Canteen or Food booth na palaging puno. Pa'no ba naman halos lahat ng estudyante 'dun sakanila bumibili. Kaya kumonte ang tao sa cafeteria. While ang STEM naman kakatapos lang sa Capstone nila. Isang beses kaming magkakaklase ang naglibot doon at nakitang nakadivide ang room nila by station of their each research.

Manghang-mangha talaga ako sa mga naimbento nila. Halos hindi kinaya ng brain ko ang pinagsasabi nilang scientific churvaness. Sometimes, I didn't bother listening them but rather simply looking at their works. Me'ron dong device na nakakapagdetect kung may diabetes ka, sampled miniature ng computer lab, talahib refreshment, improvised nebulizer, at kung anu-ano pa.

Kanya-kanyang bihis ang ilan at ang iba naman ay nagpapaayos pa ng mukha. Wala nakong ginagawa dahil sa bahay palang nakabihis na ako ng semi-formal. Ayaw kasi ng iba na pumasok agad na ga'nun ang suot kaya dito nalang sila nagpapalit.

Nandito na ang ibang GAS students katulad ng makakasama namin ni Euan. But speaking of him, hanggang ngayon wala pa sya.

"Guys, kunin nyo na ang time card nyo. Mamaya dadaanan ko kayo para ibigay yung evalution form nyo. Pinapaprint pa kasi." Our Mayor announced.

"Ms. Torres nasan na 'yung isang kasama natin? Si pogi?" tanong ni Goldee namay kasamang kilig. Isa sa makakasama namin. Kahapon kasi nagka'ron kami ng meeting with GAS at 'don na nga kami nagkakilala. Syempre kasama si Euan na naging instant crush ng campus.

"Ayun na nga, nagsabi sya na on the way na raw sya. Pero hanggang ngayon wala pa."

"Baka natraffic hindi kaya?" sagot naman ni Silvery. Ang baklang kasama sa fans club ni Euan. "Tawagan ko nalang sya. Bigay mo sakin number nya."

"Abaaa..para-paraan ka rin eh. Ako muna ang tatawag sakanya naka-unli call ako ngayon." then Goldee face me and giggled. "Ano number nya?"

I was about to speak when the door loudly banged at the wall. Bahagya pa akong napaigtad at mabilis na tinignan ang nandoon. It was Euan as he catch his breath. "Sorry I'm late!"

"OMG! Mr. Mariano ayusin mo nga ang polo mo. Nakikita ang hindi dapat makita." utos sakanya ni Mayor ng makitang nakabukas ang tatlong butones nito sa taas. Hindi sya nagsuot ng kahit anong panloob or sando manlang. Kaya kitang-kita ang maputi nitong dibdib.

"Ay sorry 'yor." ngiting paumanhin nito. "Nasan si Raixelle?" nagsimulang magkantyawan naman ang iba katulad ng mga katabi ko.

"Nandito Papa Euan!" then Silvery pointed at me.

Lumingon ito sa gawi ko at mabilis nawala ang kanyang ngiti. Saka tulalang nakatingin sakin. "Hala baks! Nainlab na si Euan. Nagulat din sa transformation ni Torres!" rinig kong tili ng isa naming kaklase.

Hindi ba nya alam na nakakadistract 'yung ayos nya. Para syang stripped dancer sa itsura nya.

Hindi ko nalang pinansin ang sari-saring kantyawan nila. Pero di kalaunan bumalik din sila sa kanilang mga gawain.

Ako nalang ang lumapit kay Euan nang mapansin kong wala ata syang balak ayusin ang pananamit nito. Then I started buttoning his shirt. "Anong trip mo ha? Bakit hindi ka manlang nagsando?"

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon