A/n: Lapit na xmas break! Labas na mga ninong at ninang! \(^O^)/ Yung feeling na tambak ka ng school works pero pa-chill chill kalang. Hahaha...
\(*T▽T*)/ Christmas break let me hug you!
If you have seen...had seen? have been seen ? Ahh basta! Kung may makita man kayo ng wrong grammar or typo. Intindihin nyo nalang. I'm not perfectionable. ∩(︶▽︶)∩
Enjoy reading!
______________________________________________________________________________________________________
Chapter 16: Unrestrained Feelings
Raixelle's Pov
Lumipas ang dalawang linggo, nandito pa rin sa utak ko 'yung mga pangyayari na nagbigay ng bigat sa dibdib ko. Doon ko rin nalaman na matagal na palang may nagmamay-ari sa puso nya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman para kay Tanawat. This attraction is gradually getting deeper. And I'm afraid that I might fall hard to him-thinking that there's a zero chance he'd catch me. Kasalanan ko naman kasi palihim akong nag-assume. Oo na! Umasa ako na baka pwedeng magkagusto sya sakin based on his actions towards me.
Because he really did took care of me.
Kasi yun ang utos ng Mama mo na gawin nya sayo.
Tch! Oo nga pala, everytime na inaalagaan nya ako...palaging si Mama ang nagsasabi na gawin nya yon. Paano ba naman sya makakatanggi eh may utang na loob raw sya sa pagpapatuloy ng mga magulang ko sakanya rito. Stupid Raixelle!
Idagdag mo pa na may Jusua na nagpakita at nagbanta pa sa buhay ko. Natatakot ako na baka totoohanin nya 'yon. I'm not ready to leave this world. Marami pa akong pangarap sa buhay!
Mabigat akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa kawalan. Lumipas ang dalawang linggo pero hindi pa rin ako nakaka-get over don. "How many times do you have to sigh? Marami bang hangin dyan sa tyan mo o nagpapakaartista ka lang para sa isang heavy drama? Parang pasan-pasan mo ang mundo." komento ni Wendy.
I remained silent. Kanina pa talaga ako parang pinagsakluban ng langit at lupa sa harap ng dalawang tweety bird-este love bird. Wala ngayon si Luice dahil inatake sya ng katam. Joke. May sakit ang bruha kaya ayan absent. "Why are you so down Rai? Simula nung holiday ganyan ka na. What happened?" tanong ni Monti.
I sighed again, "Yung van kasi puti, tapos yung bagyo tisoy. Ako sunog."
Napaface-palm naman si Wendy, halatang nainis sa sagot ko. "We're serious here Rai tapos ayan lang ine-emote mo. Kailangan mo na talaga ipabartolina sa lugar ng maraming may sapak sa ulo."
"Eto naman hindi mabiro." I laughed. Honestly, ayoko talagang sabihin sa mga kaibigan ko ang tunay na kalagayan ko. I don't want to bother them. Problema ko 'to kaya ako dapat ang mamomroblema. "Kulang kasi ako ng kain in the past few days, kaya ayaw magfunction ng utak ko pati tyan."
"Pagkain na naman! Nasan ba ang mga magulang mo at parang ginugutom ka nila?" taas-kilay nyang tanong.
"Naghoneymoon sa moon." biro ko.
"Hay nako, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayong babae ka!"
"Relax principessa. Alam mo namang palabiro yang si Rai. Sige ka baka dumami wrinkles mo." sabi naman ni Monti na pinapakalma sya.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Teen FictionShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...