Chapter 26: Date

54 9 0
                                    

RD's Note:

It's been a long long long... mahabang long sa loob ng bahay. Pati kamay ko na-quarantine kaya tinamad mag-type. Hahaha..

Sa imagination ko pa lang tapos ang storyang ito. Naliligaw kasi si Motibasyon-ang aking happy pill. Charott.

Maraming SalamaThankYou sa mga patuloy na nagbabasa at syempre sa mga nagvovote! Thank you very much from the bottom of my hypotalamus.
ヽ('▽`)/

Sana may Abangers pang nandito. Matagal-tagal din akong hindi nakapag-UD dahil sinesante ko muna 'yung internet, wala pa akong pansahod sakanya. ( ̄▽+ ̄*)

Libre lang mag-VOTE at COMMENT. Beke nemen mge geyss.



* * *

Safe and contented. That's what I feel right know. Being this close with Tanawat makes my heart at ease but hardly pounding at the same time. The wind softly cares my face along the few strands of my topknot hair. Lulan ng magarang motor na pagmamay-ari nya, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya na sya lang ang nakagagawa.

Sa bandang hapon na kami nakaalis ng bahay. Kaya litaw na litaw ang kulay kahel na kalangitan.

Pasimple ko s'yang tinignan mula sa likod nya. Seryoso lang itong nakatingin sa daan. Hindi ko naman napigilang hangaan ang kabuoan nyang mukha. Ang makakapal nyang kilay, singkit na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi- kahit naka-side view sya gwapo pa rin!

Inamoy ko ito. Shemsss! kahit pabango nya nakakainlab. Wala atang araw na hindi 'to bumabaho. Sarap singhutin! Hay nako Raixelle, tumigil ka!

Namalayan ko nalang na humihigpit ang pagkakayakap ko sa bewang nya kaya niluwangan ko ito. Marahan lang ang pagpapatakbo nya pero bigla nya itong binilisan. "Dahan-dahan lang! Baka mabangga tayo!" bahagya kong nilakasan ang boses ko para marinig nya.

Wala akong nakuhang sagot. Hindi nya siguro ako narinig dahil sa hampas ng hangin. "Bagalan mo lang! Ayoko pang mamatay!"

Hindi ba sya natatakot baka lumagpas kami sa speed limit? Ayoko pang makulong noh!-Ay, hindi pa pala ako Eighteen.

"Just hold on tight!- and let me feel you."

"Ano?! Pakiulit. Hindi ko narinig nabibingi ako sa hangin!" then I saw his lips curved into a smile.

Malapit sa glass window ang kinauupan namin ngayon ni Tanawat. We dropped by in an Italian Restau sa VIP section. Para iwas daw sa fans at paparazzi kung sakaling may makakakilala sakanya. Mabuti nalang tinted ang salamin kaya hindi kami madaling makita mula sa labas.

Hinayaan ko s'yang mag-order para sa'min tutal regular daw sya rito. At isa pa, walang picture ang Menu nila tapos ang hirap pang basahin ng mga pagkain nila dito. "Favorite mo siguro 'yung in-order natin?"

He smiled. "Yup. Palagi akong dinadala ni Mom dito noon. She really loves Italian cuisine. So after she died, I always went here when I misses her."

"Miss na miss mo na sya siguro."

"So much. Today is her death anniversary." naging malamlam ang mga mata nito.

"Oh, I-Im sorry. Naabala siguro kita imbis na ginugunita mo ang araw ng kamatayan ng mommy mo."

"You're not. Infact, I'm happy you are here with me. Hindi ako gaanong malungkot dahil kasama kita." sinsero nya akong tinignan sa mga mata. May maliit na ngiting nakapaskil rito habang tinutunaw nya ng tingin ang puso kong naghuhumarintado.

Parang naputol ang dila ko at hindi magawang makapagsalita. Simple lang naman ang sinabi nya. Wala namang 'I Love You' don. Pero bolta-boltaheng kuryente na ang nanalakay sa mga ugat ko!

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon