Chapter 3: DEAL?

268 20 0
                                    

Chapter Three
DEAL?


Nagmamadali akong bumaba ng hadgan habang dala-dala ang pinaglumaan kong bag. Muka na nga tong inaamag ng mahalungkat ko sa aparador namin. Remember... nasira yung bag ko. Hayst! Sinusumpa ko talaga ang lalaking yon!


Dumeretso ako sa sala at nadatnan ko si mama na naghahain ng almusal. While si Papa naman e busy sa pagbabasa ng news paper. Kumuha naman ako ng isang balot ng tinapay. "Ma, Pa. kailangan ko na pong umalis."


"Mag-almusal ka muna." anya ni mama.


"Hindi na po. Baka ma-late pa ako. Bibili nalang ako ng food sa cafeteria." lumapit ako sakanya at nagbeso. Ganun din kay Papa na tutok na tutok sa pagbabasa. "Pa, alis na po ako."


"Oh sige. Mag-ingat ka. May reunion tayo mamaya, wag kang magpahuli. Baka maubusan ka ng pagkain. Dadating pa naman si Butsoy." pilyo namang ngumiti si Papa. I forgot..may pinsan pala akong first runner up sa pagiging masiba. 2nd lang ako kasi mas matakaw sya. Hahaha...


"Sus ako pa. I-reserved nyo nalang ako kung sakali. Bye-bye!" pagkatapos kong magpaalam ay dali-dali akong lumabas at naghanap ng masasakyan. Nagcocommute lang ako papuntang school. Pero kapag nagtitipad, lakad nalang. Syempre inaagahan ko ang pag-alis para hindi ako mahuli sa klase.


Sa Tanjo Academy ako nag-aaral, Grade 11 Humss student. It is a private school and most of the students here ay puros mayayaman, mga sosyal, bagsakan ng mga matatalino, at mga pa-famous. Samantalang ako, lumaki sa hindi masyadong karangyang pamilya. Scholar ako sa school na yon kaya ako nakapasok. Kaso yung financial talaga ang problema. Kailangan ng doble kayod para matustusan ang pag-aaral ko. Tindera ng isda sa palengke si mama. At si papa naman ay isang construction worker. Tumutulong ako kay Tita Cecille sa cafe nya bilang isa sa mga waitress. Minsan all around kapag sinipag. Huehue..


Only child lang ako. Kaya ingat na ingat saakin ang parents ko. Minsan strict sila. Pero hindi naman masyadong nakakasakal. Dahil alam kong para naman yon sa ikabubuti ko.


Makailang minuto bago ako makasakay ng jeep. Pahirapan kasi palaging punuan. At dahil hindi ako nag-almusal. Kinain ko nalang yung tinapay na dinala ko. Kaya pala ako nagmamadali kasi maaga yung foundation event na gaganapin mamaya. Kailangan ng documentation para sa project namin sa P.E. Actually by group sya. Pero kung walang kikilos, walang gagawa. Next week pa naman yon ipapasa.


Nakababa na ako ng jeep at kasalukuyang naglalakad papasok sa school. Wala pa namang masyadong estudyante. Kaya medyo tahimik ang paligid. Teka nga anong oras na ba? Baka napaaga naman ako. Hinanap ko sa bag yung phone ko. Sa pinakailalim, ibabaw, sa bulsa, sa kahit anong parte ay wala akong nakita. Again n' again?! <(ˍ ˍ*)>


Habang sa paghahalungkat ay may napansin akong pares na mga paa sa ibaba. Inaangat ko ang ulo ko at nakita ang well-known playboy sa campus. Hindi ko nalang sya pinansin at lumihis ng direksyon. Pero sinusundan lang nya ang bawat hakbang ko. Sinubukan ko namang maging mahinahon. Dahil ayokong masira ang araw ko.


"Excuse me?" pasintabi ko. Pero patuloy lang sya sa pagharang sa daan ko. Keep your temper Rai. Maaga pa para uminit ang ulo mo. "Malaki yung space oh. Libreng tumabi."


He smirked. "What if I don't?"


Ahh ganun.. Madali lang naman ako kausap. Gusto nya atang makaramdam ng sakit ngayon. "No problem. Ako nalang ang mag-aadjust." sabi ko saka mariing tinapakan ang paa nya.


UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon