Gulat na gulat pa rin ako kahit ilang segundo na ang nakalipas. Ngumiti si Adam nang makita ako. Oh, how I missed seeing that smile in person.
"Hi Klea, how have you been?" he greeted me.
Napakurap-kurap pa ako bago nakasagot. "A-ayos na-naman." shucks, nauutal parin ako.
Napangisi siya at napalingon sa gilid nang pumasok muli sa kusina si Lola Athena.
"Ayos na muna yan, iho. Kumain na tayo. Sakto, may bigay ang Lola Edith mo na ulam." bungad na wika ni Lola Athena nang makapasok siyang muli. Tumango si Adam sa kanya.
"Kumain ka na ba, apo?" tanong ni Lola sa akin. Sabay tuloy silang napalingon sa'kin.
Para akong nalagutan ng hininga nang lingunin akong muli ni Adam. Saglit na nakalimutan kung paano ba huminga. Pero tumango ako bilang sagot.
"Ah, opo, ku-kumain na po kami, La. Pi-pinapabigay lang po talaga ni Lola yung ulam tsaka iniimbitahan din po kayo para mamaya." paliwanag ko.
Napansin ko namang napakunot-noo ang gwapong si Adam sabay lingon sa Lola niya. Tumango lamang si Lola Athena sa'kin bago nilingon ang apo niya.
Habang tumatagal ang titig ko sa kanilang dalawa, napapansin ko ang pagkakapareho nila ng features. Ngayon kita ko na kung saan nakuha ni Adam ang pagiging kulay almond ng mga mata niya. Maging ang hugis ng mga mata at tangos ng ilong, kuhang kuha niya ang features ng Lola niya.
Naalala ko din na kinwento ni Lola Edith na noong kabataan din ni Lola Athena, marami rin ang nag-alok sa kanya na pumasok sa pag-a-artista, pero dahil daw strict ang parents niya, hindi daw siya tumuloy. For sure, kung natuloy siya, grabe siguro ang magiging kasikatan niya, kagaya ng kay Adam ngayon.
"Inimbitahan tayo ng pamilya ni Klea sa pa-barbecue nila mamayang gabi." sagot ni Lola Athena sa nagtatakang mukha ni Adam. Nginitian ako ni Lola pagkatapos niyang magsalita.
"Salamat, iha. Pakisabi sa pamilya mo, salamat sa imbitasyon, pupunta kami mamaya." ngiti niya.
Sinuklian ko siya ng ngiti at tinanguan. "Sige po, mauna na po ako nang makakain na po kayo. See you later po." bahagya akong yumuko bilang paalam na sa kanila.
Naglakad na ako palabas ng bahay nila, nang may naramdaman akong sumunod sa'kin. Agad namang nasagot ang tanong ko kung sino yun nang magsalita siya.
"Hatid na kita sa pinto." rinig kong sabi ni Adam habang nakasunod sa'kin.
Shit na malagkit. Bakit pa? Kailangan ko ng makaalis dito nang makahinga na ako ng maayos, pero talagang sumunod siya hanggang sa labas.
Nang makalabas na kami, nilingon ko siya saglit at nakitang seryoso ang mukha niya. Napahinto ako at hinarap na siya ng maayos. Kinabahan pa ako nang makita ang seryoso niyang mukha.
"Thank you for the invitation, Klea. It means a lot to me that you still look out for my grandma after all these years. Thank you." he was serious but slowly, he showed me a genuine smile.
I swear my heart just took a leap. Parang ang saya saya ng puso ko na patalon-talon lang ito sa dibdib ko. Have I been good these days to have this kind of luck today? Kung laging ganito, magiging mabait na ako lagi Lord.
Ngumiti ako ng maliit. "Wala yun. Alam mo naman na para na ring pamilya ang turing namin kay Lola Athena. We're always here for her."
Tumango siya. "I know. But still, thank you." ngisi niya.
I smiled again and he tapped my shoulder. "We'll see you later, then." and then he turned around to go back inside.
Nang makapasok na siya sa loob, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Para bang kanina ko pa pinipigilang huminga. Dali dali akong tumakbo pabalik sa bahay namin at dumiretso ako sa likod bahay. Naabutan ko si Lola Edith na naglilinis ng lamesa na nilabas para sa barbecue mamaya.
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...