"May ilang scenes pa kami dito pero halos patapos na rin. Kumain na ba kayo?" Adam urged us to seat on the chairs inside his tent.

Naupo si Sally sa may gilid kaya ang upuan nalang malapit kay Adam ang bakante. Umupo ako doon at naupo naman si Adam sa upuan niya sa loob ng tent, kung saan siya inaayusan.

Nandito pa rin kami sa loob ng tent niya. Alam kong mainit sa labas, pero hindi namin ramdam yun dahil naka-aircon ang tent niya dito. Medyo nakakapag-taka lang na walang ibang tao dito bukod samin.

"Ah, oo kumain na kami. Ayos lang kami." sagot ko naman.

Tumango siya at kinuha ang script na naka-latag sa may harap niya. "Isang scene nalang ako. Ayos lang ba kung hintayin mo ako? Ihahatid ko na kayo pauwi. May gagawin pa ba kayo?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad nakapag-react. "Hindi wala naman kaming gagawin. Tapos na rin naman ang mga exams namin kaya ayos lang. Pero hindi mo na kami kailangan ihatid. Ayos lang kami."

"Oh, it's fine. I owed you one, remember. Hindi kita nahatid noong minsan. Gusto kong bawiin yun."

Tinignan niya ako at para bang may gusto siyang sabihin gamit ang mga mata niya. Pero dahil sa sobrang hiya at kaba ko, hindi ko mabasa ang kung anong gusto niyang sabihin doon.

"Ayos lang talaga, Adam. Baka may gagawin ka pa." giit ko.

Hindi ko na alam kung anong ginagawa ni Sally sa gilid dahil naka'y Adam ang buong atensyon ko. Kailangan ko pa siyang kumbinsihin na ayos lang na wag niya na kaming ihatid. Nakakahiya kaya.

"Pauwi na rin naman ako pagkatapos dito. Wala na akong scene pagkatapos nito. Bukas na yung iba. Kaya okay lang. And I insist, Klea." seryoso niyang sabi.

Napalunok ako at gusto pa sanang makipag-rason pero tinikom ko na ang bibig ko. Baka pa ma-offend ko siya o baka anong isipin niya kung bakit ayokong mag-pahatid. The last thing I want right now is piss him.

"Okay, fine." suko ko.

He smiled again and my worry melted. Just looking at him smile instantly calms me down. I love how he can just smile like that and I feel okay. Like the world stops spinning and all is good and happy. Yun ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siyang nakangiti.

Naputol ang tinginan namin nang may biglang kumatok. "Adam, last scene." tawag nito.

"Be right there." sagot naman ni Adam.

Sinenyasan niya ako at tumango nalang ako. Lumabas siya at naiwan kaming muli ni Sally sa loob.

"Grabe, hindi ko alam paano mo kinaya yun." kumento niya.

Nagtataka ko siyang tinignan. "Ha?"

She smirked. "Ngayon ko lang kayo nakitang magkasama pero hindi ko alam na ganyan ka pala kapag nandyan siya."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?" I tried to sound fine but that came out defensive.

"Asus, nagde-deny ka pa. Sa ilang taon kitang kilala, tuwing si Adam ang topic, hindi ka matahimik, ngayon halos wala kang masabi. 'Okay fine' lang." sabay irap niya ng pabiro nang ginaya niya ang sinabi ko.

Napa-singhap ako. "Ano namang gusto mong gawin ko? Ibulgar sa kanya na fan na fan niya ako?"

"Hindi naman sa ganun. Inexpect ko lang na medyo iba ang makikita ko. Pero ayos lang din." sabay ngisi niya.

"Wag kang maingay, Sally. Baka may makarinig." pabulong kong giit.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya at tumango. Tumango rin ako at hinayaan nalang siya. Simula ng nagdesisyon ako na maging fangirl niya, alam ko na kung magkikita kami ulit, hinding hindi ko ipapakita ang side ko na yun. Yun ang nag-iisang bagay na hinding hindi ko ipapaalam sa kanya.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon