Hindi ko alam kung anong isasagot kaya tumango nalang ako. Parang hindi agad nag sink in sa utak ko ang gusto niyang mangyari.

Kami? Mag-catch up? Talaga? Bakit?

Nakita ko siyang ngumiti ng maliit bago bumaling muli sa'kin.

"Nag-almusal ka na? Gusto mong kumain muna?" alok niya.

Umiling ako. "Hindi pa. Tara sa loob, may pagkain na kami dito." yaya ko naman. Nakayuko ako dahil nga hindi pa ako naghihilamos.

Nakita ko siyang tumango kaya tumalikod na agad ako para makapasok sa bahay. Sumunod naman siya sa'kin.

Pagkapasok ko sa loob, iminuwestra ko sa kanya ang kusina.

"Upo ka muna doon. Maghihilamos lang ako." nahihiya kong sabi habang tinuturo ang lamesa.

Napakunot ang noo niya habang tinitignan ako.

"Hindi ka pa naghihilamos? Hindi naman halata." he chuckled.

Pinamulahanan ako ng pisngi kaya mas napayuko ako. Tinalikuran ko siya at dumiretso na ako sa common restroom sa malapit.

Habang nasa loob ako, halos hindi ako mapakali habang iniisip na niyaya niya akong mag-catch up. Ano kayang pag-uusapan namin? May pag-uusapan ba kami? Anong sasabihin ko? Baka mamaya, madulas pa ang bibig ko at mabuking ako na obsessed na fangirl dito.

Pero hindi ko naman ipagkakaila kung gaano ako kasaya ngayon. Ngayon ko lang siya uli nakasama pagkatapos ng ilang taon, mula nang umalis sila, nang umalis siya.

Marami akong gustong sabihin, pero alam kong hindi tamang sabihin yun ngayon. Kaya kung man ang gusto niyang pag-usapan, makikinig nalang ako.

Lumabas ako sa banyo at naupo na sa harap niya. Hindi niya ginalaw ang mga pagkain sa lamesa, talagang hinintay niya ako matapos.

"Kuha ka. Mainit pa naman siguro 'yan." inalok ko siya ng pandesal at palaman.

Nang kumuha na ako ay kumuha na rin siya at nagsimula na ring kumain.

"I heard, senior high school ka na daw?" panimulang tanong niya.

Lumunok ako bago sumagot. "Oo. Grade 11 na." I smiled.

Tumango siya at ngumiti ng maliit. Napatulala ako nang marealize na kung hindi siya tumigil sa pag-aaral ay dapat pareho kami ng grade level.

"That's great. May plano ka na 'bang course sa college?"

Umiling ako. "Wala pa nga eh. Nag-iisip pa rin ako."

"Oh. Take your time, kunin mo kung anong gusto mo talaga." wika niya bago kumuha muli ng tinapay.

"Ikaw ba? Wala ka na bang balak mag-aral uli?" tanong ko naman.

Napatigil siya sa paglalagay ng palaman para tignan ako. Nakita kong nagulat siya dahil sa tanong ko. Nahiya tuloy ako. Pakiramdam ko ay masyadong personal ang tanong ko.

Tumawa ako ng peke. "Ay, wag mo ng sagutin." wingayway ko pa ang kamay ko para ipakita na hindi na niya kailangan sagutin ang tanong na yun.

Ano ba yan, Klea? Akala ko ba makikinig ka lang?

Nakarecover naman na siya nang ngumiti siya uli sa'kin bago sumagot. "Nah, it's okay. To be honest, I really want to go back to studying. But you know, my schedule won't allow it."

Tumango nalang ako at natahimik. Baka kung ano pa ang masabi ko.

"Thank you for last night and for today. I was actually meaning to take Lola to the doctor, buti at sinama na siya nila Tita at Tito. Thank you dahil hindi niyo siya pinapabayaan, hindi tulad namin." he stared at the bread in front of him.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon