Hirap na hirap akong ibuka ang mga mata ko kinabukasan. Mabigat ang talukap nito dahil sa kakaiyak ko kagabi. Tulog na ang pamilya ko nang makauwi ako, kaya wala ng nagtanong ng nangyari.

Mabilis akong nagbihis at nahiga, pero hindi ako agad nakatulog. Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang narinig ko mula sa kanya. Wala namang mali sa sinabi niya, pero talagang tinamaan ako. Ang malaman na kaya lang niya ako inimbita sa birthday party niya ay dahil pakiramdam niya ay obligado siyang gawin ito pagkatapos naming magkita uli pagkatapos ng ilang taon ay parang isang malaking sampal sa akin.

Kung noon, hindi niya kayang tumayo sa harap ng cake niya ng wala ako sa tabi niya, ngayon imbitado nalang ako dahil pakiramdam niya kailangan niyang gawin yun.

Alam ko na hindi ko dapat gawing big deal ito dahil ilang taon na akong wala tuwing nagse-celebrate siya ng birthday niya. Marami ng nagbago at hindi ko kontrolado yun. Hindi ako dapat nasasaktan sa sinabi niya. Pero dahil siya ang may sabi, pakiramdam ko sinaksak ang puso ko. Parang may kutsilyo na nakatarak sa gitna, unti unting bumabaon at pinupunit ang puso ko.

Ngayon ang mismong araw ng birthday niya, at alam ko na may naka-handa kaming gagawin ng fandom niya sa araw na ito, pero hindi ko magawang bumangon para gawin ang kahit isa sa mga yun.

Matagal kong pinag-isipan kung gagawin ko ba o hindi, pero sa huli, na-realize ko na sarili ko lang itong issue, at hindi ko dapat dinadamay ang ibang tao. Maraming taga-hanga si Adam na gustong icelebrate ang araw na ito sa isang paraan ng pagtulong sa iba, at hindi ko dapat basta nalang bitawan ang lahat dahil lang sa personal dahilan.

Tumayo ako at agad na kinuha ang cellphone ko. Nakita kong may messages ang ilang admins sa'kin at mukhang naghahanda na sila. Ilang mga senior na admins ang nag-handa ng mismong event at isa kaming mga minors na naatasan sa pag-spread ng impormasyon.

Isa ako sa may pinakamalaking following sa lahat ng mga official fan accounts ni Adam, kaya isa ako sa inaasahan na mag-papaalala sa lahat. Naka-handa na ang drafts ng lahat ng ilalabas kong announcement kaya agad akong pumunta sa laptop ko para gawin ang dapat kong gawin.

@Adamfangirl4lyf

Happy 18th birthday to our Ultimate Teenage Crush and one of the most sought after rising actor in his generation, Adam Gomez. Your A fam sends their love as we celebrate this day helping the kids of San Martin Parish.

As I click post, it got a lot of likes and retweets in less than a minute. A lot of greetings poured my posts and there are a lot of greetings from other other admins as well. My job was done.

I went to my bathroom to freshen up. Kailangan ko rin kasing pumunta doon para tumulong, bilang Lea.

I wore a simple shirt and jeans, white sneakers and I tied my hair in a ponytail and wore a cap. Baka kasi may maka-kilala sa'kin doon. Nag-paalam na ako kila Mama noon pa kaya alam na nila kung saan ako pupunta ngayon. They know I do these things and they just let me be. Dahil hindi naman kami nagpa-party talaga, we're helping other people, a charity.

Bumaba ako pagkatapos kong magbihis. Naamoy ko agad ang niluluto ni Mama sa sala palang. Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng pagkalaki-laki. I don't want them to see that something is bothering me. So I will try my best and hide it from them.

Pumasok ako sa dining room at agad na nag-tama ang mga mata namin ni Adam. Agad na napawi ang ngiti ko dahil sa gulat. Anong ginagawa niya dito?

Kasama niya sa lamesa si Papa at Ate Kath. Mukhang may pinag-uusapan sila at natigilan nang pumasok ako. I saw Ate Kath's teasing smile while Papa was just seating there, watching us.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tutuloy ba ako papasok o babalik kuno ako sa kwarto ko. Buti nalang pala at hindi ko muna binaba ang mga dadalhin ko at baka makita niya.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon