Maingay na sa labas nang pumasok kami sa backstage ng auditorium. Hinila ako ni Ate Sophia palabas ng headquarters habang tumatawa ang lahat sa loob. Panay ang hingi niya ng tawad sa nangyari doon. Hindi naman ako ganoong apektado doon dahil wala naman silang ginawa na hindi maganda.

"Wag mo ng isipin yung mga yun. Mga loko-loko mga yun. They're trying to hit on you now that you turned 18." irap niya.

"Hindi ko naman na iniisip yun. Wala rin po akong interes." sagot ko naman.

Tinagilid niya ang ulo niya habang nakatitig sa akin. Sinusuri ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya, pero totoo ang sinabi ko. Wala akong interes sa kanila o sa ideya ng pagkakaroon ng boyfriend. Isa pa, isang tao lang ang nagmamay-ari ng puso ko.

"Wow, you really are that loyal, huh." bulong niya.

Napakunot-noo ako dahil hindi ko gaanong na-gets yun. Ano namang ibig niyang sabihin doon?

"Po?" tanong ko.

Hindi na siya nakasagot dahil natigil ang usapan namin nang makarating kami sa backstage. We agreed to just focus on the program for now. Karating namin sa likod ay pinag-stand by na kami dahil magsisimula na ang program.

Huminga ako ng malalim bago kami sabay na lumabas para simulan na ang event. When we emerged to the stage, everyone cheered. Kapag naririnig ko ang cheer nila, mas lalo akong ginaganahan. I really enjoy standing in front of the crowd and try and entertain them. I have always been passionate with hosting. Alam ko na hindi ito ang madalas na gustong tahakin ng iba pero ako, ito ang gusto ko. I really want to pursue this.

The first part of the event was done and we are just waiting for the Dean to end his opening remarks before we officially open the Sports Fest. Ang unang game ay volleyball. Sa open area sa likod ng auditorium and venue ang laro kaya didiretso ako doon pagkatapos dito para kitain si Sally at panoorin ang laro nila.

"Good luck to all our players. I wish you all safe and fair games. Thank you." the Dean ended his remarks and he asked us to return to stage to open the events.

"Thank you so much, Dean Mariano. So, Klea, are you excited?" Ate Sophia looked at me and her energy immediately got me excited.

"Of course! And I know everyone here is just as excited as I am, am I right?" tanong ko sabay pakita ng mic sa crowd at naghiyawan ang lahat.

"So what we waiting for?" she looked at me.

"Let the games begin!" sabay naming sigaw na mas nagpalakas ng hiyaw ng lahat.

Sumenyas ang leader namin na okay na ang lahat kaya naman in-announce na namin ang pagsisimula ng unang laro at kung sino ang mga maglalaro at kung saan gaganapin ito.

"The first game will be held at the open area just behind the auditorium. Boys volleyball, grade 11 vs. grade 12." we announced.

We ended the opening event with a good luck to all players and we're out. Nagpaalam ako na manonood muna at hinayaan naman nila ako. Our team congratulated us and even praised me. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay sanay sa mga papuri nila. I know I did great on stage, but I can't seem to be great at accepting compliments.

Marami na agad tao ang nasa labas para manood ng laro. Nilibot ko ang tingin sa buong lugar, hinahanap si Sally. Alam ko na naka-suot na siya ng jersey dahil pagkatapos ng unang laro ay sila agad ang susunod. Mauuna ang boys volleyball tapos ay girls.

Naka-set up na rin ang net at may linya na ang buong lugar kung saan hindi pwedeng lumagpas ang mga manlalaro. May iilang upuan ang nakalagay sa malapit para sa gamit ng mga players at kung saan din sila pwedeng maupo. Mukhang nandoon si Sally.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon