Habang nasa byahe kami paakyat ng bahay ni Lola, hindi matanggal sa isip ko ang nabasa kanina. Kaya ba wala pa silang mapiling date kung kailan babalik ay dahil hindi talaga sila makakabalik bago mag-pasko.
Base sa nabasa ko, plano ng management nila na sa ibang bansa sila mag-pasko. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya tungkol doon kung makaka-usap ko uli siya mamaya. At kung totoo nga na doon sila magpa-pasko, anong gagawin ko?
Sobrang excited ko pa man din noong sinabi niya na dito niya gustong mag-celebrate dahil na-miss niya daw ang mga ginagawa namin dati, bakit hindi pumasok sa isip ko na may posibilidad na hindi matuloy dahil magkalayo na kami.
Palagi ko nalang nakakalimutan 'yun dahil alam ko tumutupad naman siya sa mga pangako niya. Ilang beses na rin naman niyang napatunayan 'yun kaya doon ako kumakapit. Baka sinasabi lang nila ito para mas lalong ma-hook ang mga fans nila.
Huminga ako ng malalim at pinatahimik na muna ang isip ko. May ilang araw pa naman kaya hindi ko dapat inaalala ito.
Nang makapasok kami sa gate ng bahay ng mga Lola, agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita ang van ni Adam sa harap ng bahay ni Lola Athena. Napa-ayos ako ng upo habang hinihintay na mag-park ang kotse namin.
"Naka-balik na pala sila Adam, anak?" kuryosong tanong ni Mama.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. Ang usapan namin ay baka sa mismong Christmas eve o mismong Christmas ang uwi niya kaya hindi ko talaga inaasahan ito. Nang tumigil ang kotse namin ay hinintay ko na maunang bumama si Mama para hindi naman halata na excited ako.
Nang makababa kami, para bang nabasa ni Mama ang iniisip ko at dumiretso papunta sa bahay ni Lola Athena. Titig na titig ako sa pinto ng bahay dahil baka bumukas ito at magpakita siya sa'kin. Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita kaya miss na miss ko na siya.
Natigilan ako nang bumukas ang pinto at iniluwa si Tita Juliet. Nagulat ako pero hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon dahil agad na nagtama ang mga mata namin. Agad naman lumapit si Mama sa kanya.
"Juliet, nandito pala kayo. Dito ba kayo magpa-pasko?"
Nalipat ang tingin ni Tita sa kanya bago sumagot. "Nako, hindi. Nandito lang kami para sunduin si Mama."
Sabay na kumunot ang noo namin ni Mama dahil doon. "Anong ibig mong sabihin?"
Sinulyapan muna ako ni Tita bago sumagot. "Susunod kami kay Adam sa Los Angeles para doon mag-pasko. Isasama namin si Mama. Dadaan din kami sa doctor niya para malaman namin kung pwede pa ba siyang bumyahe pa-ibang bansa."
Agad na bumagsak ang mga balikat ko sa unang sentence palang na sinabi ni Tita. 'Yun lang ang confirmation na kailangan ko para malaman na wala siya dito. Na-excite ako sa wala. Nasa ibang bansa pa rin sila at mukhang tama nga ang nabasa ko na doon nga sila magpa-pasko, at mukhang kasama pa ang mga pamilya nila.
"Ganoon ba. Mabuti naman at kasama si Lola Athena." kumento ni Mama.
Tumango si Tita Juliet. "It's Adam's request."
Nagulat ako sa sinabi niya. Adam? He wanted to celebrate Christmas abroad with Lola Athena? Bakit? Paano ang pangako niya? Hindi ko maintindihan.
"Tama naman siya at ilang taon na kaming hindi nakakapag-celebrate ng Pasko kasama si Mama, kaya ngayon kahit saan pa kami mag-Pasko, isasama namin siya."
"Buti naman at makakasama na kayo ni Lola Athena ngayon, ilang taon na rin niya kayong na-mi-miss sa mga panahon na ito." banayad ang boses ni Mama.
"Salamat sa pagsama sa kanya all these years. I promise, we will make it up to you."
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...