I don't know what to say. Wala namang ginawang masama si Monica sa'kin. Hindi ko siya ganoon kakilala para magtanim ako ng kahit anong sama ng loob sa kanya. Ang talagang problema ko dito ay ang sarili ko.
Naiinggit ako. Yun ang totoo.
Paano ko ba tatanggapin ang katotohanang may kapares siya? This is the first time he's paired to someone. I can't seem to wrap my head around it.
Baka mas lalong maghinala si Bea kaya nag-type na ako ng ire-reply.
Adamfangirl4lyf: wala naman. busy lang talaga. midterms na rin kasi namin.
That is actually half true. Pagkatapos ng event ay preparations na para sa midterms. Hindi ako excited pero wala naman akong magagawa. I can't stop the time.
adamsbabe: ah kaya pala. good luck.
Napabuntong-hininga ako dahil naniwala siya. Nag-usap pa kami saglit bago ako nagpaalam dahil marami pa akong gagawin. Totoo naman pero hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko nalang munang umiwas sa usapan at baka pa kung ano ang masabi ko.
Wala naman na muna akong gagawin ngayon dahil Sports fest pa rin naman bukas at hapon pa ang event namin. Hindi naman kami kailangan ng sobrang aga bukas at tapos na ang laro nila Sally kaya baka before lunch nalang ako pumunta ng school bukas.
Sinubukan kong abalahin ang sarili ko sa pagtulong sa gawaing bahay. Panay ang pigil ni Mama dahil daw baka pagod ako pero hindi naman. Kaya ko naman at gustong gusto kong alisin ang isipan ko sa mga nangyari kanina.
The whole Adam bashing, and jealousy. I hate myself for keeping quiet and I hate it more that I felt jealous of Sally. Hindi tama yun.
Mukha namang hindi dinamdam ni Sally yun dahil kilala naman niya ako. Ako lang naman talaga ang may problema dito.
"Klea, kunin mo yung mga damit sa dryer. Paki-sampay na muna." utos ni Mama.
Agad akong tumango at pumunta sa laundry room katabi lang ng common restroom sa first floor. Nilagay ko sa basket ang mga damit na nasa dryer at dinala sa may likod bahay para isampay.
Bago ako nagsampay ay binaba ko muna ang cellphone ko sa may gilid lang ng pinto. Habang nagsasampay ay lumilipad ang isip ko sa maraming bagay.
Kung siguro kagaya pa ng dati ang sitwasyon, walang kahit anong makakapigil sa'kin na ipagtanggol si Adam. Alam kong sinabi ko na repleksyon ng ugali ni Adam ang kahit anong gagawin ng mga fans niya kaya ayokong gumawa ng kahit anong pu-pwedeng sumira sa tingin ng ibang tao sa kanya. Pero ibang usapan na kung harap-harapan ang pagsasabi ng masasamang salita.
Yung sinabi ng lalaki kanina ay isang example ng isang bagay na dapat kong ipagtanggol si Adam, pero hindi ko nagawa. Dahil sa takot na baka maungkat ang issue nitong nakaraan kaya wala akong sinabi.
Tapos dahil sa simpleng pag-follow at react lang ni Adam sa picture ni Sally, nagseselos na 'ko agad. Kahit na wala naman akong dapat ika-selos. Tama si Sally na hindi ako dapat sa kanya nagseselos kundi sa iba. At sa totoo lang, sobra sobra na ang selos ko kay Monica.
I refuse to talk to Adam about it because it's none of his business. He's just doing his job. Yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya kaya wala akong karapatan na magreklamo, at wala din naman siyang magagawa. It's not like he can magically stop their tandem just because I feel uncomfortable about it.
Natapos akong magsampay at pumasok na sa loob. Wala naman ng utos si Mama kaya naupo na muna ako sa sala. Binuksan ko at TV at hinayaan ito habang nag-so-scroll ako sa cellphone.
Sunod sunod ang mga litrato nila Adam na mukhang kuha kani-kanina lang. Kunot noo kong tinignan ang mga ito.
"At para sa Showbiz Chika, hatid ito ni Jessica Torres. Jessica?" rinig kong sabi sa TV.

BINABASA MO ANG
So Far
DragosteKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...