"That's a wrap everyone!" sigaw ng leader namin after ng practice.

Last day ng practice today and it's already Wednesday. Thursday and Friday ang Buwan ng Wika celebration at walang klase ang lahat. Nakalaan ang dalawang araw para lang dito. Half day lang din kami sa school kaya pagkatapos ng programs ay pwedeng either gumala sa school or umuwi nalang.

May mga booths ang mga orgs at iba't ibang class. May booth din ang performing arts group pero hindi na kami kasama sa mag-aayos doon. Pwede kaming bumisita pero hindi naman kami required mag-stay.

Nag-paalam ako sa mga kasama ko at dumiretso na pauwi. Maaga ang call time namin bukas at kailangan kong mag-ayos. Nag-promise si Mama na aayusan niya ako at naka-handa na rin ang isusuot ko.

Ilang araw nalang din at birthday na ni Adam. Dahil sa sobrang busy sa practice ay hindi ko yun masyadong naiisip. Hindi ko alam kung maganda ba yun o hindi. Nag-uusap pa rin kami kapag may oras siya at bago ako matulog.

Kung panaginip man ang lahat ng ito, sana wag na akong magising. Ang saya sa pakiramdam na umuuwi ako araw araw at nakaka-usap ko siya. Nalalaman ko ang mga ginagawa niya. Naku-kwento ko ang mga nangyayari sa'kin sa school at naku-kwento rin niya ang mga ginagawa niya. Ayokong masira ang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon.

Parang kailan lang, nalulungkot ako na ilang taon na kaming hindi nagkaka-usap. Nagsimula itong lahat ng umuwi siya uli dito. Ang laki ng pasasalamat ko na bumalik siya. I know it took him so long, but it was worth it. I'm so glad I waited.

"Klea, tayo. Aayusan na kita." rinig kong sigaw ni Mama.

Pumasok siya sa kwarto ko at kakatapos ko lang maligo. Hindi niya na kailangan sabihin, masyado akong excited para makatulog ng maayos kaya maaga akong nagising.

"Oh, gising ka na pala." puna niya.

Nakapagbihis na ako. Isang beige trousers ang suot ko at isang cropped blouse na may maliit na puff sleeves. Maghi-heels din ako para mas maayos tignan ang suot ko. Sakto lang naman ang tangkad ko pero dahil mostly mga college students na ang mga kasama ko, kailangan ay maging pantay din naman ako sakanila. Ang tatangkad pa naman nila.

"Ang ganda naman ng bunso ko." ngiti ni Mama nang matapos niya akong ayusin.

Soft make up lang ang ginawa niya para ma-highlight ang mga features ko. Soft pink lips, light pink blush and eye shadow, my eyebrows are nicely done and she just curled my lashes and added a soft eyeliner to highlight my eyes. She powdered my nose and slightly poked it with her finger. "Ang cute talaga ng ilong mo." she giggled.

I smiled sweetly and giggled with her. She really likes poking my nose. Kahit noong maliit pa ako ay hilig niya ng gawin yun sa ilong ko. Natutuwa siya dahil ang liit lang daw nito at ang cute tignan. Hindi ko daw namana ang medyo malaki at matangos na ilong ni Papa. Matangos naman ang ilong ko pero maliit lang, parang sa kanya.

"Tapos na." she announced when she finished putting my hair in a half ponytail.

I stood in front of my mirror and admired myself. Not to brag, but I look really pretty. My outfit compliments my skin, make up is nicely done and my hair are in the right places. I know I don't look like this everyday but I'm not all bad. My parents are good looking naman.

"Ang ganda ganda mo talaga, anak. Dalagang dalaga ka na."

I looked at her when she became teary eyed. "Ma! Bakit naiiyak ka?" medyo naalarma ako nang medyo naluha siya.

"Ngayon lang kasi nagsi-sink in sa'kin na mag-18 ka na." she sniffed and wiped the side of her eyes.

"Matagal pa naman yun Ma."

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon