It was the most successful event that Adam and Monica had. The level of support and love they got from the premier night was insane. They trended on every social media sites and everyone showered their movie with great reviews. Wala akong narinig na kahit anong masasamang salita mula sa mga tao na nakapanood na ng pelikula nila.
Kahit mga kaklase ko at ilang batch mates ay patuloy ang papuri noong mapanood nila ito. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko na panoorin muna ito dahil sa Biyernes ang screening at gusto ko na doon ko unang mapapanood ang pelikula. Kahit na panay ang yaya ni Sally sa'kin ay hindi ko siya pinagbibigyan. Halos dalawang araw palang naman simula nang lumabas ang pelikula nila.
Pero kahit na ilang araw palang, hakot na hakot sa viewers ang pelikula. It became one of the most watched movie in history on the first day in cinema. Blockbuster agad ito sa unang araw palang ng release at marami rin silang naka-linya na screening. I can't even say I'm shocked because I expected this much for them.
Noong unang beses palang nilang lumabas noon para sa mall show ng pelikula ay halos dumagungdong ang buong lugar dahil sa suporta ng mga tao para sa kanila, ngayon pa na ilang beses na silang nakikita ng mga tao at lahat ay nahuhumaling na sa tambalan nila. Everyone is going crazy over their tandem and they just started being paired with each other.
Unang beses ito na na-i-pares si Adam sa isang babae kaya hindi ko in-expect na magiging ganito ka-supportive ang mga fans niya, pero mukhang nagkamali ako dahil kahit na unang beses palang niyang mag-ka-loveteam, ibang klaseng suporta na ang ibinigay ng mga fans niya sa kanila. Hindi ko masabi na ka-pareha nila ang opinyon ko pero hindi ko rin naman sinasabi na buo ang pagsuporta ko. Hindi ko pa rin talaga kaya na makita siyang may kasamang ibang babae, pero masasabi kong medyo nasasanay naman na ako.
Nakatulong din naman ang sinabi sa'kin ni Adam noon, na may alam si Monica tungkol samin. Oo at hindi pa naman talaga kami, pero alam niya na may nararamdaman kami para sa isa't isa kaya kung ano man ang meron sila, alam ko na dahil lang 'yun sa trabaho nila. Kahit paano ay may pinanghahawakan naman ako.
"Anong oras daw yung screening?" bulong ni Sally sa gilid ko.
Nasa klase pa kasi kami at second to the last subject na ito bago mag-uwian. Di-diretso na sana kami sa screening pero naka-uniform pa kami kaya gusto ko na yayain muna siyang umuwi para makapag-palit ng damit at makapag-ayos. Ngayon ko nalang kasi makikita uli si Adam sa personal, kaya gusto ko naman na maging presentable tignan, kahit paano.
"Mamaya pa naman 5:00 pm. Pero mauuna na sila Mama at Papa doon para samahan sila Lola. Uuwi muna ako para mag-ayos." bulong ko pabalik.
Sumilay ang isang pamag-asar na ngiti sa labi niya. "Mag-pa-pa-ganda ka pa n'yan, eh. Wag ka ng mag-abala, mukhang hulog na hulog naman na sa'yo 'yun, eh."
Bahagya ko siyang siniko para tigilan ng pang-a-asar sa'kin pero hindi ko na napigilan ang mangiti. Hindi ko sinabi kay Sally ang tungkol sa naging pag-uusap namin ni Tita Julie. Nangako ako sa kanya na hindi malalaman ni Adam ang tungkol doon at para mangyari 'yun, wala dapat akong kahit sinong pagsasabihan. Mananatili ang sekreto na 'yun sa'kin. Hindi na kailangan malaman ni Sally ang tungkol doon. Kaya tatanggapin ko nalang ang mga gantong hirit niya para hindi siya maghinala.
Nang matapos ang huling klase namin sa araw na 'yun ay agad akong hinila ni Sally palabas ng classroom at palabas ng school. Kahit ilang beses ko pa siyang sabihan na mag-dahan dahan ay hindi siya nakikinig. May oras pa naman kami at hindi naman ako ganoon nag-ma-madali. Ayoko naman ma-late pero hindi ko naman hahayaan na mapahamak kami dahil lang sa pag-ma-madali.
Nakauwi rin naman kami agad sa bahay at dumiretso sa kwarto ko para maka-paghanda. Naka-tabi na ang susuotin ko, isang pink lace crop top at denim skirt. Balak ko sana na mag-heels pero naisip ko na baka sobra naman 'yun kaya mag-sa-sandals nalang ako na may 2 inch na heels para hindi naman ganoon ka-plain tignan. Inayos ko ang buhok ko at inipit ang parehong side para hindi malaglag ang strands sa mukha ko. Nag-lagay rin ako ng kaunting make up para i-highlight ang features ko.

BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...