Nagising ako kinabukasan na namamaga ang mga mata. Hirap na hirap akong ibuka ang mga ito pero sinubukan ko ang lahat ng makakakaya ko para silipin kung anong oras na. Its 10:55 am.

Huminga ako ng malalim at sinubukang tumayo. I know it's Sunday today but it's not an excuse to oversleep. Kahit pa late akong nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak ay hindi ko naman gusto na mahiga lang dito buong araw. Kaya inayos ko na ang higaan ko para hindi na ako ma-temp na nahiga uli. Mukhang uuwi na rin naman kami sa bahay namin mamaya dahil Lunes na bukas.

Hay, Lunes nanaman pala, at ibig sabihin ay papasok nanaman ako sa school. Nakatakas ako kahapon sa intriga dahil Sabado lumabas ang issue pero bukas, lahat ng mga kaibigan ko na pumunta sa debut ko ay paniguradong alam ang tungkol sa issue kaya sigurong tatanungin nila ako. At ayoko mang sagutin ang mga tanong nila, alam ko na hindi ko matatakasan yun.

Sa totoo lang hindi ko pa nga alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Alam ko na dapat ay kahit papano maging masaya ako na na-solve nila ang issue at maayos pa rin ang career ni Adam, pero hindi ko pa rin matanggap na kailangang ganoon ang naisip nilang paraan para ayusin ito.

Siguro naman kahit paano ay may pwede silang gawin na ibang paraan para maayos ang lahat, hindi ang magsinungaling.

Pero ano bang alam ko? Baka nga yun lang talaga ang paraan para maayos ang lahat. Baka yun ang kailangan nilang sabihin para mapanatag ang lahat ng mga humahanga at sumusuporta sa tambalan ng dalawa. Baka yun lang talaga ang sagot sa lahat at ako lang ang apektado dahil parang isiniksik sa'kin na wala lang ako. Na hindi ako karapat-dapat para sa kanya.

Lahat ng ito, lahat ng sinabi ni Tita Juliet ay parang isang malaking sampal sa akin na hindi ako karapat-dapat para kay Adam.

Dinama ko ang atmosphere sa bahay habang pababa ako ng hagdan. Napansin ko na nasa sala si Ate Kath, nanonood ng TV. May naaamoy akong niluluto sa kusina kaya paniguradong nandoon si Mama o si Lola Edith. Hindi ko alam kung nasan si Papa.

Nagtama ang mga mata namin ni Ate nang makatungtong ako sa pinakababa. Napa-ayos siya ng upo at agad na lumambot ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya ng maliit habang naglalakad ako papunta sa kusina. Naramdaman kong sinusundan niya ako ng tingin.

"Klea." tawag niya bago ko makalapit sa sofa.

Napatingin ako sa banda niya at naghintay na magsalita siya.

"Naka-usap mo na ba si Adam?" tanong niya.

Sinubukan kong hindi magpakita ng kahit anong ekspresyon na maaring magbigay ng ibang ibig sabihin para sa kanya. Patuloy lang ang pag-ngiti ko para hindi sila mag-alala. Hindi ko alam kung kita pa ang pamamaga ng mga mata ko kahit na naghilamos na ako pero nagdasal nalang ako na wag na nilang pansinin.

"Hindi pa po, Ate. Hindi na rin muna pwede." sagot ko at nagkibit-balikat nalang ako na parang wala lang, kahit sa loob ko ay mabigat sabihin yun.

Para akong bumalik sa simula. Yung mga panahon na wala kaming communication at tanging sa TV nalang ako nakikibalita ng mga nangyayari sa kanya. Parang hindi nangyari ang mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Parang pumutok na ang bulang inaalagaan ko.

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa pagpunta sa kusina. Naabutan ko si Lola Edith na naglalapag ng pagkain. Nag-angat siya ng tingin sa akin at di gaya ni Ate, walang bakas ng pag-aalala sa mga tingin niya. Tanging isang mainit na ngiti lang ang nakita ko, parang noong umiyak din ako dahil nakita ko si Adam kasama si Monica. Wala akong narinig na kahit ano kay Lola, tanging ngiti at mainit na yakap lang ang ibinigay niya, at sa totoo lang, mas gusto ko ito kaysa sa reaksyon ni Ate.

Alam ko na nag-aalala sila, pero mas gumagaan ang pakiramdam ko kung hindi ko yun makikita sa mga mukha nila. Wala na rin naman kaming magagawa. Wala akong karapatan na magsumbat sa kung paano nila balak ayusin ang issue na ito. Dapat ay magpasalamat nalang ako na hindi nila ako binaggit.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon