Noong mga bata kami, kapag birthday ni Adam, laging kami kami lang ng pamilya ko at pamilya niya ang nagce-celebrate. Kahit sa school noon, dahil may pagka-mahiyain si Adam, hindi kami masyadong nagse-celebrate doon at hindi rin nagi-invite si Adam ng mga classmates namin. Taon-taon ay si Lola Edith at Lola Athena ang nagluluto ng mga handa namin, tumutulong si Mama at Tita Juliet sa pagluluto at sila Tito ang bumibili ng cake.
We would sing "happy birthday" to him but he always takes me to his side so he doesn't feel awkward and we would blow the cake together. Sabay kaming magwi-wish kahit na siya lang ang may birthday. Gusto niya na kasama niya ako lagi.
The first year we didn't get to celebrate his birthday together was back when he turned 12. May shoot siya noon kaya hindi sila naka-uwi para mag-celebrate. Naalala ko noon, kumuha ako ng cupcake sa kusina namin at isang maliit na kandila at dinala sa kwarto ko. Sinindian ko ang kandila at nilagay sa taas ng maliit na cupcake na hawak ko at tinapat sa picture namin ni Adam. I sang "happy birthday" quietly and closed my eyes to make a wish before blowing the candle.
"Happy birthday, Adam." I whispered to his picture.
Halos taon-taon ko yung ginagawa dahil mula noon ay hindi na sila umuwi dahil nga tuloy tuloy na ang kasikatan ni Adam. Don't get me wrong, I was really happy for him, I was proud, but it made me miss him and the times we celebrated his date of birth. The day he was given to us by the Heavens.
I was always thankful to have met him and be friends with him. Ang lungkot siguro talaga ng buhay ko kung hindi ko siya nakilala. Ang hirap isipin.
The years I didn't get to spend it with him were really dull. Ang nakapag-pasaya lang sa'kin noon ay ang pagsali sa mga charity works na dedicated para i-celebrate ang birthday niya. Somehow, I felt like we were together again.
Kaya naman noong inaya niya ako na pumunta sa pinaplano niyang birthday party dito sa lugar namin, walang pag-aalinlangan akong um-oo dahil uhaw na uhaw akong makasama siyang i-celebrate ng birthday niya ulit. Ni hindi pumasok sa isip ko na hindi nalang kami ang nandoon. May iba't ibang tao na. Mga taong napalapit sa kanya sa ilang taon niya sa industriya. Mga taong nakasama niya at naging kaibigan niya. Mga taong hindi ako kilala, at hindi alam kung ano ako para kay Adam. Pero, ano nga ba talaga niya ako? Kaibigan? Kababata? Hindi ko alam.
Hindi na kagaya noon ang celebration ng birthday niya. Hindi na siya yung kagaya noon na kami kami lang ang kasama niya. Hindi na kagaya noon na gusto niyang kasama akong i-blow yung cake niya, dahil kaya niya na ngayong humarap sa mga tao ng taas noo at nakangiti. He's no longer the shy and stiff young boy, he's already turning into a man.
"Ni hindi ko nga alam anong ire-regalo sa kanya, Sally." reklamo ko kay Sally. Nakatitig lang siya sa'kin habang nagra-rant ako tungkol sa issues ko.
Nasabi ko na sa kanya na noong weekend ay nag-kausap kami ni Adam, noong una, ayaw niyang maniwala pero kalaunan, nang ipabasa ko sa kanya ang ilang messages namin, naniwala na rin siya. Wala rin naman siyang dahilan para hindi ako paniwalaan, dahil alam niya kung gaano ako kapatay na patay kay Adam.
"Matagal pa naman yan ah. Hayaan mo muna." sabay irap niya at baling sa kinakain niya.
Lunch break namin pero wala akong ibang maisip kundi ito. Wednesday na at alam kong ilang linggo pa bago ang birthday niya pero hihintayin ko pa ba ang ilang araw bago ang kaarawan niya para mag-isip ng ireregalo? Hindi ko nalang iaasa kay Sally ito, wala rin naman siyang alam.
Patuloy pa rin ang pag-uusap namin ni Adam tuwing uuwi ako galing school. Tapos na silang mag-shoot doon sa may kanto namin kaya hindi ko na siya uli nakita doon pero panay pa rin ang update niya sa'kin kapag may oras siya. Naghihintay nalang ako ng reply sa kanya at pag minsan natatagalan siyang sumagot, nagpapaalam na akong matutulog dahil may pasok pa ako kinabukasan.
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...