Late na kaming naka-tulog ni Sally dahil sa pagre-review. Ayos lang din dahil hindi naman ganoon ka-aga ang pasok namin. 10 am pa ang unang exam namin at hanggang 1 pm lang kami ngayon. Wala nga lang kaming balak na gumala dahil exam week. Tutok na tutok lang kami sa pag-aaral sa ngayon. Ganoon naman talaga kami kapag exams. Wala man sa itsura namin, pareho kami ni Sally na running for honors.
Dito na rin naman namin balak mag-college kaya hindi na namin kailangan problemahin ang college entrance exam pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na kami mag-aim ng honors. Mas maganda pa rin kung may maibubuga pa rin kami. At isa pa, ayoko namang isipin ng iba na dahil active ako sa extra curricular activities ay hindi ko na gagalingan sa classroom.
Kahit naman noong elementary pa lang kami ay active na ako sa extra curricular. Kaya rin nasa top ako noon ay dahil nako-compute yun sa average ko. Kasunod ko noon si Adam. Pero kung sa classroom lang ang basehan, for sure siya ang top. Matalino siya at madaling matuto. Agad niyang nage-gets ang mga lessons namin at siya ang laging nagtuturo sa'kin. He was my personal tutor. Noong nag-junior high school ako, doon lang ako talaga nagsumikap na ma-gets ang mga lesson dahil wala na siya para turuan ako.
Buti na rin at nakilala ko si Sally at may kasama na akong mag-aral. Kaya ganoon pa rin kami hanggang ngayon.
"Last test na para sa araw na 'to. Finally!" buntong-hininga ni Sally.
Nilingon ko siya at nakitang nag-i-inat siya ng katawan. Hindi pa naman talaga kami tapos dahil ilang araw pa ang kailangan namin bunuin. First day palang ng exams kaya medyo matagal pa bago kami makapag-petiks uli.
Binalik ko nalang ang mga mata ko sa binabasa at sinubukan na i-memorize ang mga naka-sulat. Naaral na rin naman namin ito kagabi pero may ugali lang talaga ako na gusto kong aralin uli bago ang mismong test para hindi ko makalimutan. Sa ganoong paraan, nare-refresh ang utak ko sa mga inaral.
Dumating na rin ang huling proctor namin at agad na nag-distribute ng test paper kaya agad din kaming nagsimula. Sobrang focus ko sa exam kaya mabilis din akong natapos. Nagpasa na ako agad at sinenyasan si Sally na hihintayin ko nalang siya sa labas.
Sa likod na muna ako ng building namin nag-hintay. Naupo ako sa usual spot namin ni Sally. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan na buksan na muna ang fan account ko. Agad na bumungad sa'kin ang isang group photo nila Adam. It looks like a screen shot of Monica's post with the caption 'last day jitters'. It was a group photo of her, Adam, their director and some of their co-stars.
Mabilis akong pumunta sa account ni Monica para tignan ang post. It already received a lot of likes and comments. May nakita pa nga akong comments ng ilang artista na nagpapahayag ng excitement sa paglabas ng pelikula. I read some of it until one comment caught my eye. It was from Adam.
gomezadam: working with you has been amazing! I can't wait for you guys to watch the movie. Monica is indeed spectacular.
It had atleast five thousand likes and a lot of people replied. Madami ang kinilig sa sinabi niya. Nag-reply din si Monica ng isang 'thank you' and she added 'you are amazing as well! let's rock this.'
Madami na agad ang naglabas ng screen shots ng conversation na ito lahat ay kilig na kilig. Their impact is already this big with just these kinds of interaction. Imagine how far they can go with more projects together.
Habang malalim ang iniisip ko ay biglang dumating si Sally. Agad kong tinago ang cellphone ko at hinarap siya.
"Ang bilis mo namang natapos. Sabay naman tayong nag-review, ah." reklamo niya agad nang makalapit siya.
Inilingan ko siya at nagyaya nalang na umalis. Kukunin niya pa ang mga gamit niya sa bahay namin kaya uuwi na muna kami sa bahay. Nag-review din kami bago siya umalis. Nagka-sundo nalang kami na maagang magkikita bukas para makapag-review pa kami bago ang unang test. General Mathematics pa naman ang unang subject kaya talagang kailangan naming mag-aral.

BINABASA MO ANG
So Far
RomansaKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...