Simula ng naging fan ako ni Adam, nangako ako na wala akong gagawin na kahit anong pwedeng makasakit o makasira sa career na matagal niyang binuo. Kaya kapag may nababasa akong nang-ba-bash sa kanya, hindi ako sumasagot dahil ayokong mas lalong lumala ang issue. Baka sumama lalo ang tingin sa kanya kung ang isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang fan account niya ay pumapatol sa bashers niya.
First of all, I don't want to stain his image. Kilala siya ng lahat bilang 'good boy' kaya dapat tulungan ko siyang na i-maintain ang image na yun.
Pangalawa, dahil mahal ko siya, talagang gusto ko na maabot niya ang pangarap niya. At kung ang paggiging artista na ang pangarap niya ngayon, wala akong karapatan na kwestyunin yun at suportahan nalang siya.
Wala akong ibang gusto kundi ang siguraduhin na wala akong gagawing kahit ano na sisira sa pinaghirapan niya. Kaya ngayon na may ganitong issue siya, hindi ko magawang hindi mag-alala.
Alam ko na wala naman talaga akong ginawang malala, pero ang malaman na dahil sa akin ay kini-kwestyon ang tambalan nila ni Monica. Tinitira ang pagiging genuine ng relasyon ng dalawa kung kailan nalalapit na ang paglalabas ng teaser ng movie nila, hindi ko mapigilan ang ma-guilty.
Bago pa ako tuluyang kainin ng mga iniisip ko, bumaba na ako para makakain ng hapunan. Nandoon na silang lahat sa lamesa, nag-uusap, pero natigil lang sila nang makita na nakatayo na ako sa may hamba.
Nasa kabisera si Papa na agad nag-angat ng malambot na tingin sa akin. Hindi siya ngumiti pero ramdam ko na para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at naupo sa upuan sa tabi ni Ate Kath. Tahimik ang lahat at walang nagsalita uli. Alam ko na ginagawa nila itong lahat dahil sa akin kaya hindi ako nakatagal.
"Nasan po sila Adam?" tanong ko dahil hindi ko na napigilan.
Narinig kong tumikhim si Lola sa may gilid. "Uh, umalis sila kanina, apo. May aasikasuhin daw. Sinama na muna nila ang Lola Athena mo." sagot niya.
Nakatingin lang ako sa pagkain ko dahil nahihiya akong tumingin sa kahit kanino sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko. Ito ang pinaka-iiwasan kong mangyari.
"Anak, wala kang kasalanan doon. Hindi ka dapat nagi-guilty." bulaslas ni Mama. Mukhang hindi na rin siya nakatagal sa katahimikan.
Nginitian ko siya ng maliit dahil hindi ko kayang sagutin yun. Dahil kahit anong sabihin nila ay walang makakapawi sa guilt na nararamdaman ko at sa kahihiyan na rin. Napansin kong sinaway ng bahagya ni Papa si Mama. Pagkatapos ng tahimik na hapunan, nag-paalam akong aakyat na muna para makapagpahinga. Agaran naman ang tango nila kaya iniwan ko na sila sa baba at agad na umakyat sa kwarto ko.
Ngayon na mag-isa ako ay pinipilit ko ang sarili ko na alamin kung sino ang maaaring nagpakalat ng picture na yun o kahit man lang kung sino ang kumuha nito. Ang original post ay burado na pero marami na ang nakapag screen shot o save nito kaya hindi ko na mache-check ang account na ginamit. Ilang oras ko na ring tinititigan ang litrato para kahit papano ay magka-idea kung sino ang maaaring kumuha nito pero wala talaga akong makuha. Mukhang pinag-isipan talaga ito ng maigi.
Hindi ko na talaga mapigilan ang kumpirmahin na wala sa mga imbitado ko ang kumuha nito. Wala sa kanila ang maaaring pumwesto sa pinakagilid ng venue para lang kunin ito. Pero dahil na rin siguro sa sobrang busy ko at dahil na rin sa tutok ng spotlight, baka hindi ko na talaga mapapansin.
Sinabunutan ko ng bahagya ang sarili ko dahil sa inis. Ilang oras na ako dito pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip. Ni hindi ko alam kung sinong may kuha nito. Party ko yun, pero ni hindi ko alam ang nangyayari. Alam ko na hindi official photographer ang kumuha nito dahil simula pa lang ay sinabihan ko si Mama na sabihan sila na wag kukunan ang performance namin dahil para ito kay Adam. Naintindihan niya ito kaya wala sa mga photographer namin ang nandoon noong performance namin. At dahil din biglaan ang dating ni Adam, gulat ang lahat sa presensya niya, kahit pa nasa initation ang pangalan niya. Dahil nga hindi niya ako inalalayan papasok, in-assume na ng iba na hindi siya aabot, gaya ko.
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...