Matagal kong tinitigan ang naging announcement na yun. Nawala na sa ginagawa ko ang focus ko dahil ilang beses ko yatang binasa ito.
Kahit na matagal ko ng alam ang tambalan nila, parang saglit na nawala ito sa isip ko dahil sa dami ng nangyayari. Hindi ko rin sila nakikitang nag-shu-shoot sa paligid kaya hindi ko ito masyadong inisip.
Pero ngayon, mayroon nanamang isang bagay na nagpaalala sa akin nito.
Marami ang agad na nagpahayag ng excitement sa naging announcement. Nagsilabasan ang ilang behind the scene photos ng dalawa habang naga-shu-shoot, at kahit ayaw ko ay napatingin na rin ako dito.
May mga pictures sila sa iba't ibang parte ng probinsya at ang iba ay medyo sweet. Saglit na parang bumaliktad ang sikmura ko pero agad itong nawala nang lumabas ang isang message ni Adam sa screen ng phone ko.
Swing01: are you busy?
Napa-ayos ako ng upo at agad na nag-tipa ng reply. Hindi na rin ako ganoong nag-aalala dahil kahit papano ay nakakausap ko pa siya. Kung siguro hindi, baka kung ano ano na ang pumasok sa isip ko.
kleaflo: hindi naman. bakit?
Napasapo ako sa noo dahil alam kong hindi totoo yun. Ang dami kong kailangang gawin ngayon. Kailangan ko pang aralin ang buong sports fest program at sa Sabado ang final run namin. Madami din akong activities at reports na kailangan tapusin dahil malapit na ang midterms namin.
Sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw kaya minsan nalang kaming mag-usap at sobrang saglit lang. Ayaw niya rin kasi na hindi ko agad ginagawa ang mga kailangan kong gawin dahil baka daw magpatong-patong ang mga ito. At kahit ayaw ko, hindi ko maipagkakaila na tama siya. Ako lang rin naman ang mahihirapan kung matatambakan ako ng gagawin.
Pero ngayon lang, gusto ko siyang makausap ng matagal. Something about that news made me uneasy. Parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag.
Swing01: can I call?
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Agad akong nag-reply at agad din siyang tumawag. Sinagot ko ito sa unang ring palang at ramdam ko na nagulat siya doon.
"Woah, that was quick. Mukhang hindi ka nga talaga busy." bungad niya.
Hilaw ang naging tawa ko dahil ayokong magsinungaling. Wala akong sinabi at hinayaan siya sa iniisip.
"Bakit mo pala gustong tumawag?" tanong ko nalang.
"Wala lang. I just wanted to hear your voice."
I smiled inside to stop myself from being too excited. He might here it from my voice and I don't think I can take how he's going to react.
Natahimik kami saglit pero alam kong nandoon pa rin siya dahil naririnig ko ang paghinga niya.
Lumipad tuloy ang isip ko dahil sa katahimikan na ito. Naalala ko tuloy ang nabasang balita kanina.
"Lalabas na pala yung teaser ng movie niyo sa Sabado. Good luck, ah. For sure hit yan." kumento ko.
I heard him move and he sighed. Hindi siya agad sumagot. Natigilan ako nang may maisip.
"Kinakabahan ka ba?" maingat kong tanong.
Naramdaman ko na nagulat siya. Hindi niya inaasahan na yun ang itatanong ko. Pakiramdam ko natamaan ko siya sa simpleng tanong na yun.
Huminga siya ng malalim muli bago siya sumagot. "Oo. Kinakabahan ako."
Para akong nalagutan ng hininga sa narinig. Anong ibig niyang sabihin? Posible pa pala yun. Sa tagal niya ng ginagawa ito, sa dami na ng palabas na nagawa niya, nakukuha niya paring kabahan tuwing may ilalabas siyang proyekto? Hindi ko alam yun. Akala ko sanay na siya, na alam niya na ang magiging resulta, pero mukhang mali ako.
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...