Nag-patuloy ang interview pagkatapos noon. Hindi na rin naman pinabulaanan ni Adam ang naging sagot niya kaya naman nag-patuloy na lang sila. May iilan sa mga reporter ang nagpilit na kulitin siya tungkol doon pero hindi na siya nagsalita uli. Tanging mga tanong tungkol sa pelikula nalang ang sinagot niya. Sa huli ay sumuko na rin naman sila.

"Do you have any message to your fans before we end this conference?" tanong ng host kila Adam at Monica.

Nagkatanginan ang dalawa bago naunang kumuha ng mic si Monica.

"First of all I want to say thank you for coming here today and celebrating another milestone with us. This is only the beginning for all of us and we hope you'll support us on this journey. Second, we invite everyone to watch our movie, coming out on December 6th." she smiled at everyone before handing the mic to Adam.

Tinanggap ni Adam ito at napa-ayos muna ng upo bago nag-salita. "I agree with Monica, we really appreciate you all coming out here today. We have so much in store for all of you so we really hope you will support us as well in the future. For Better and For Worse coming this December 6th."

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos siyang mag-salita at pati rin ako ay napapalakpak. Kahit ano naman talagang gawin ni Adam, susuportahan ko siya. Wala akong ibang gustong mangyari kundi ang maging successful siya sa kung ano mang ginagawa niya. Alam ko na hindi naman ito ang una niyang pangarap, pero kung ito ang makapagpapasaya sa kanya ngayon, hindi ako kokontra at susuportahan ko siya ng buong puso.

Natapos ang conference pagkatapos mag-paalam ng host. Busy na ako ngayon sa pag-po-post sa mga fan accounts ko. Successful ang kauna-unahang conference nila at base lang dito, mas dumami na agad ang taga-hanga ng tambalan nila Adam at Monica dahil sa nakitang chemistry ng dalawa ngayong nakita na silang mag-kasama. Sa kilos at tinginan ng dalawa ay marami na agad ang nag-speculate ng relasyon nila. Madami ang nagpupumilit na mayroon ng kung ano sa kanilang dalawa habang ang iba naman ay nagsasabi na baka sila na.

Kahit na ayokong basahin ang ganoong klaseng mga comments ay hindi ko napigilan dahil maging sa mga posts ko ay may ganoong comments. Mayroon pang tinatanong ako kung may alam ba ako dahil alam nila na marami akong alam tungkol kay Adam. Mayroon pa nga na nagsasabing baka nga daw kilala ko siya sa personal dahil may mga impormasyon akong alam na hindi alam ng ibang mga fans ni Adam. Hindi ko nalang sinasagot dahil baka pa patibong lang yun at ayokong mahuli.

Dahil sa pagod sa araw na yun ay naka-tulog din ako agad. Nag-iwan nalang ako ng message kay Adam para alam niya na nag-pahinga na ako agad. Alam ko rin naman na baka hindi na siya makatawag dahil pagod din siya sa dami ng ginawa niya ngayon. Anong oras na rin siguro silang makaka-uwi niyan kaya mabuti na rin na hindi na niya muna ako tawagan.

Nakumpirma ko rin na late na siyang naka-uwi kagabi dahil sa iniwan niyang message sa'kin. Mag-aalas dose na ng madaling araw siya nakapag-message sa'kin kaya siguro tulog pa rin siya n'yan. Nasa byahe kami ngayon paakyat sa bahay ni Lola Edith. Gaya ng sabi ni Mama, ihahatid lang nila ako doon at aalis din naman sila agad dahil may lalakarin pa sila ni Papa. May Saturday class pa si Ate Kath kaya wala rin siya. Kaya mabuti na rin kung doon na ako kila Lola dahil wala rin akong kasama sa bahay.

Nag-message ako kay Adam na papunta na ako kila Lola. Hind na rin ako nag-expect na sasagot siya agad dahil paniguradong tulog pa siya. Wala pa naman daw silang schedule ng mall shows ngayong weekend at bukas pa ang guesting nila sa isang weekend show para sa promotion ng pelikula. Hindi ko nga lang alam kung may iba siyang trabaho ngayon.

Nakarating din naman kami agad sa bahay ni Lola at agad din akong bumaba sa kotse. Hindi na bumaba sila Mama dahil aalis din sila agad. Binaba nalang ni Papa ang bintana sa banda niya para makita ko sila.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon