Para akong nalagutan ng hininga nang marinig ko ang sagot niya. Saglit na nag-liwanag ang buong paligid. Pumayag siya? Pupunta daw siya. Ilang minuto ko siyang tinitigan, hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Napakurap-kurap ako habang pino-proseso pa rin ang sinabi niya.
"Talaga?" tanong ko. Halatang hindi kayang maniwala sa sinabi niya.
He chuckled. "Bakit parang ayaw mong maniwala?" iling niya.
Napa-ayos ako ng tayo at napa-iling na rin. "Hindi naman sa ganoon. Uh, ano kasi.. ah kasi..." nag-iwas na ako ng tingin dahil hindi ko matapos ang sinasabi ko.
Mas natawa tuloy siya. "Look, Klea, I'm really honored that you invited me. I thought after what happened on my birthday you would not invite me anymore, and I would have totally accepted that, but after hearing you inviting me, I was relieved. I promise, I will not miss it." ngayon ay naging seryoso na siya.
Napangiti ako doon. Parang may kung anong bigat din ang nawala sa dibdib ko. "Okay. I'll send you an invitation soon."
"I really appreciate that." he smiled again.
I bid my goodbye to him and walked to our house. Pero bago ako makalayo, tinignan ko pa siya ng isang beses at naabutan ko siyang pinapanood ako habang naglakakad papasok ng bahay namin. Seryoso ang mga mata niya pero may multo ng ngiti sa labi. Agad akong nag-iwas ng tingin at tinakbo ang natitirang distansya mula sa gate hanggang sa pinto ng bahay namin.
I closed the door to my back and leaned into it, holding on to my dear heart. It's beating so fast and I know it's not from running that small distance from our front yard to our door. It's because of him.
Narinig ko ang sasakyan niya na umalis at doon lang ako nakagalaw. Dumiretso ako sa kusina at nag-bless kay Mama.
"Oh, Klea. Kamusta ang exams mo?" tanong ni Mama.
"Okay lang po, Ma." sagot ko ng may malaking ngiti. Kumunot ang noo ni Mama sa naging reaksyon ko.
"Ganun ba kadali yun para makangiti ka ng ganyan?" tanong niya ng natatawa.
Umiling ako. "Hindi naman po sa ganon."
Umiling-iling siya. "Hindi ko na itatanong at mukhang alam ko na ang sagot." ngiti niya. "Magbihis ka na doon at nang maka- pagsimula na tayo ng preparation sa debut mo." tunog excited na siya ngayon.
Tumango ako at umalis na para pumunta sa kwarto ko. Mabilis akong nagbihis at bumaba na ako. Nasa sala na si Mama at may cookies at juice sa coffee table. Dala ko ang Ipad ko at bukas na ang laptop ni Mama sa lamesa. May kinausap siyang organizer para sa party at ngayon ay i-vi-video call namin siya para magsimula sa preparations. Wala pa kaming exact date pero gusto nila Mama na malapit lang naman sa birthday ko at dapat sa weekend. Sa venue naman, naisip namin na sa clubhouse ng Plaza. Ang guests ay mga kamag-anak ko, mula sa side ni Mama at Papa. Mga pinsan ko sa side ni Mama ay part ng 18th roses ko kasama ang ilang second-cousin sa side ni Papa dahil wala namang mga kapatid si Papa.
Sa Ipad ko nilista ang mga magiging parte ng 18th roses, treasures at candles. May ilang classmates ako na gusto kong i-invite kaya sinali ko sila. Nasa unahan ang pangalan ni Sally para sa 18th candles. Mas gusto niya daw na siya ang mauuna. Medyo kinabahan pa ako dahil baka kung ano pa ang masabi niya. Buong pamilya ko pa naman ang nandoon.
"So everything's settle for now. Next week we will decide on the decorations. I already have a boutique in mind for you to pick out your dresses, Klea." ngiti ni Miss Danica sa'kin mula sa screen.
Tumango ako at ngumiti na rin. Baka next week ko na yun mapupuntahan. Balak kasi ni Mama na pumunta sa Plaza bukas para tignan yung venue at baka i-book na namin. "Okay po, Miss Danica. Baka po next week ko na mapuntahan."

BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...