In my 17 years of existence, I've never snuck out in the middle of the night to meet with a boy. Wala rin naman kasing lalaki malapit sa akin at wala akong plano na makipaglapit ng ganito sa iba. Kaya naman abot abot ang tahip ng dibdib ko habang pababa ng hagdan. Ingat na ingat ako para hindi makagawa ng kahit anong ingay at baka magising ko sila Mama at Papa, o kaya si Ate Kath. Hindi naman sa gusto kong itago na nandito ngayon si Adam sa tapat ng bahay namin, pero hindi ko din naman alam paano ipapaliwanag kung bakit siya nandito ganung hindi ko rin naman alam. Kaya mas mabuting itago ko nalang.

Lumabas ako ng bahay at dali daling tumakbo papunta sa kabilang daan, kung nasaan siya. Nang makita niya ako, umayos siya ng tayo at inalis ang shades na suot.

"Sorry if I scared you. I didn't mean to be creepy." bungad niya.

Tumigil ako sa tapat niya, medyo malayo ng kaonti pero sakto lang para marinig namin ang isa't isa.

"Ayos lang. Hindi ko lang inasahan. Ngayon ka lang kasi nag-message sa'kin, ever." hinabol ko ang huling salita para maintindihan niya na hindi talaga niya ugali yun kaya naman gulat na gulat ako.

I saw him scratch the back of his neck. "Yeah I know. I don't want to message you using my main account because my manager handles that, so is my Mom."

Tumango ako. "Ah. Okay. Kailan mo pala ginawa yung account na yun?" tanong ko.

"Kanina lang."

Napakurap-kurap ako at tinitigan siya. He has a small smile plastered on his lips and I couldn't help but scream internally. Kahit sa simpleng damit, ang gwapo pa rin kasi niya. Napaka-unfair. For sure I look like a homeless person with this pajama and plain shirt I'm wearing while he looks so cool with his hoodie.

After a few seconds I decided to ask him a question that keep bugging me since I saw him outside. "Anong ginagawa mo dito?"

He sighed and looked around. "Dito na pala kayo nakatira?"

I looked at our house then back to him. Why is he dodging my question?

"Oo. Lumipat din kami dahil mas malapit ito sa trabaho ni Papa." paliwanag ko.

Nakatitig lang siya sa bahay namin. Ano kayang iniisip niya? He always makes me curious and I always wants to know what he thinks. Noong mga bata pa kami, talagang tahimik lang siya at lagi lang akong sinasamahan sa kung anong trip ko. Hindi rin siya ganoon ka-close sa mga pinsan niya kaya kapag bumibisita sila ay sa'kin pa rin siya nakikipaglaro.

Whenever I ask him what's on his mind, he immediately tells me. But after all these years and the gap that's surrounding us now, I can't seem to voice out the usual question I used to ask him. So I repeated the same question I had earlier.

"So bakit ka nga nandito?"

Nalipat na sa'kin ang tingin niya. He shifted his whole body so he's looking at me properly. "Halos ilang linggo na kaming nagshhu-shoot dito, ngayon na lang uli kita nakita. Hindi na kayo nagawi sa bahay nila Lola at hindi rin kita nakikita kung saan kami nag-shoot. I thought being around here means I'll get to see you all more often but I guess not."

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Ayokong bigyan ng malisya nag sinabi niya pero ang bwisit kong puso ay bigla nalang bumilis ang tibok at may nararamdaman akong nangingiliti sa tyan ko. Pinigilan ko ang sarili kong mangiti at baka mamaya ay makahalata siya.

I cleared my throat before speaking. "Na-busy lang sa school. Busy din sa negosyo sila Mama at Papa kaya hindi na muna kami bumisita kila Lola."

Nakita ko siyang tumango. "Ah ganoon pala. Akala ko pa naman iniiwasan mo ko," natawa pa siya ng mahina.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon