Matagal kong tinitigan ang pangalan niya sa invitation. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko ito natanggal sa final draft. Binalikan ko ang nangyari bago ko ni-send ito at doon lang pumasok sa'kin ang pag-subok na ilagay ang pangalan niya at ang biglaang pag-pasok ni Ate Kath sa kwarto ko kaya hindi ko napansin na hindi ko pala ito naalis. Mukhang hindi rin ganoon napansin ni Mama ito dahil wala pa siyang sinasabi tungkol dito.
Paano ko ngayon aayusin ito kung may mga invitations na siyang naipamigay? At ang malala pa, nabigay niya na rin ang para kila Lola at maging sa pamilya ni Adam. Gusto ko nalang biglang magpa-lamon sa lupa. Anong gagawin ko nito?
Napasapo ako ng noo nang maisip kung paano ko ngayon kakausapin si Adam. Hindi ko pa alam kung nakita na ba niya ng invitation o kung naibigay na ba ito ni Lola Edith. Hindi ko na napiglan ang kuryosidad ko kaya naman dali dali kong kinuha ang telepono ng bahay at ni-dial ang numero ng telepono sa bahay ni Lola Edith. Hinintay ko na may sumagot sa kabilang linya at hindi rin naman nag-tagal ay may sumagot din.
"Hello?" rinig ko ang boses ni Lola.
Napa-ayos ako ng tayo nang marinig siya. "La? Si Klea po ito."
Naramdaman ko ang gulat niya. "Klea? Bakit napatawag ka? May problema ba, hija?" nag-aalalang tanong ni Lola. Ganoon siguro ang agad niyang naisip dahil hindi siya sanay na tumatawag ako ng ganitong oras at lalo na sa ganitong araw. Pero desperada na kasi talaga akong malaman kung nakita na ba ito ni Adam o hindi pa. Ayoko naman na biglaan nalang siyang tanungin ng personal dahil baka atakihin ako sa sobrang kaba.
"Ah, wala pong problema, La. Ayos lang po kami. May... may gusto lang po sana akong itanong." dahan dahan kong sabi.
Narinig kong gumalaw si Lola bago nag-salita muli. "Aysus, ikaw talagang bata ka. Akala ko naman napano ka na. Ano ba yun?" natatawa niyang tanong.
Napa-higpit ang hawak ko sa telepono bago ko tinanong ang sadya ko. "Naibigay niyo na po ba kila Adam yung invitation sa debut ko?" maingat kong tanong.
Narinig kong tumawa ng maliit si Lola. "Aba, tamang tama ang tyempo mo, apo. Nandito si Adam ngayon, kabibigay ko lang."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig yun. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko at tuluyan ng nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ibababa ko ba ang tawag, o hahayaan si Lola na magsalita ngayon at nang marinig ni Adam ang sadya ko sa pagtawag kay Lola. Hindi pa nakatulong na mukhang na-excite ng sobra si Lola nang bigla siyang gumalaw at mukhang ipinasa ang telepono. Dahil ilang kaluskos pa ang narinig ko bago ko narinig ang malalim na boses na pamilyar sa aking tenga.
"Klea?" tawag nito.
Napa-ubo ako at hindi alam kung paano sasagot. Nakita na niya. Sure na sure ako na nakita niya ang pangalan niya doon. Wala na akong magagawa ngayon kundi ang tanungin siya at umasa na o-oo siya. Sana lang ay um-oo siya. Hindi dahil naka-sulat na ang pangalan niya doon, kundi dahil gusto niya talaga. Hindi dahil napipilitan siya, kundi dahil bukal talaga sa loob niya ang maging parte nito. Sana nga lang.
"Adam. Hi." manihang bati ko.
"Sorry, pinasa ni Lola Edith ang telepono sa'kin. Mukhang may ginagawa siya sa kusina ngayon." balita niya.
Napatango ako kahit na hindi naman niya kita. "Ayos lang. Hindi ko lang in-expect na nandyan ka ngayon." pag-amin ko.
"Ah, oo. May binilin kasi si Lola Athena kaya nandito ako. At mukhang naalala niya rin na ibigay ang invitations para sa debut mo." sabay tawa niya ng maliit.
Napa-pikit ako ng mariin dahil ngayon ay nakumpirma ko na talagang nakita niya na. Alam niya na. Nakita niya, hawak niya mismo sa kamay niya ngayon. Hindi ako makapaniwala na ganito ang kahihinatnan ng lahat. Dapat kasi talaga tinanong ko na siya ng personal noon. Para alam ko na agad ang sagot sa tanong ko at hindi na sana umabot pa dito.
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...