Nang makauwi kami sa bahay pagkatapos ihatid si Lola kanina ay agad akong umakyat sa kwarto ko para i-post na sana sa fan account ko ang naging announcement kanina. Ni-log in ko ang account ko sa laptop ko at agad na nag-type ng post.

Adamfangirl4lyf

Adam and Monica's movie will have their first ever conference this coming Friday. Get to know the casts and director and also get the chance to ask questions regarding the movie. Can't wait to watch For Better and For Worst in cinemas nationwide, soon.

I clicked Post and I received a lot of response already from some of other fan accounts. Mukhang lahat ay excited na sa magiging conference na ito dahil ito ang kauna-unahang beses na makikita si Monica at Adam na magkasama simula nang inanunsyo ang tambalan nila.

Ngayon lang din na-announce and title ng movie at lumabas na rin ang official poster nito. Magkatalikuran silang dalawa habang parehong sinusubukang lingunin ang isa't isa. Adam was wearing a black leather jacket while Monica was wearing a loose beige blouse. Nakakunot ang noo ni Adam na para bang takang-taka siya kay Monica habang malaki naman ang ngiti ng isa habang sinusubukan siyang lingunin. Just this simple picture shows how natural their chemistry is.

Simula nang inanunsyo na 'bad boy' ang role ni Adam sa pelikula, marami ang kumwestyon sa kakayahan ni Adam na i-portray ito. Dahil kilala siya sa 'good boy' image niya, marami ang pumuna na baka hindi niya kayang gampanan ang role na ito. Pero nang lumabas kanina ang official poster nila, marami akong comments na nabasa kung saan pinupuri nila ang kagwapuhan niya kahit na mukha siyang suplado.

Para daw siyang ibang tao at na mas tumingkad daw ang kagisigan niya dahil dito. Hindi naman sa hindi ako sumasang-ayon doon, alam ko namang gwapo talaga si Adam kahit anong gawin niya. Pero para sa'kin, walang makakapantay sa kagwapuhan niya kapag malinis ang itsura niya. Adam always sported an angelic face. His features look soft for a guy but he can still carry it with just the right amount of manliness. Alam mo pa rin na lalaking lalaki siya kahit na mukha siyang inosente.

But this side of him just feels surreal. Inaamin ko na iba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang nagseseryoso. Kapag nakakunot ang noo niya o kapag naka-poker face siya. Para bang may malalim siyang iniisip at parang distant sa ibang tao. He looks really good as well and I think people also likes this side of him, maybe even more than his usual style.

Binalita rin ni Adam na sa Miyerkules na huling araw nila ng shooting. May isang araw silang pahinga bago magsimula ang promotion ng pelikula.

"Anong balak mo gawin sa free day mo?" tanong ko. Maka-usap uli kami ngayon at 'yun agad ang binalita niya.

Natawa siya ng konti bago sumagot. "I really don't know."

"So gaya lang ng dati mong ginagawa?" bigla kong tanong.

Naramdaman kong natigilan siya sa naging tanong ko. May ideya naman ako sa kung anong ginagawa niya tuwing free day dahil ilang beses niya na itong naisagot sa mga past interviews niya.

"Maybe. Or maybe not." sagot niya nalang.

"Hindi ka na pupunta sa House of Cooks?" wala sa sarili kong tanong.

Oo, kapag may free day siya, ginugugol niya ito sa pag-aaral ng pagluluto sa isa sa mga prestigious cooking school dito sa Pilipinas.

"How did you know that?" takang tanong niya.

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nangapa ako ng isasagot. Ramdam ko na nag-hihintay siya ng isasagot kaya naman mas lalo lang akong kinabahan. Paano ko sasagutin ito ng hindi ko inaamin na fangirl niya ako sa nagdaang mga taon?

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon