"Ma, alis na po ako."

Sigaw ko sa sala habang nagsusuot ng sapatos. First day of school at senior high school na ako ngayon. Nasa kusina pa si mama pero sa lakas ng sigaw ko, sigurado akong narinig niya yun.

Naglakad ako papuntang kanto para makasakay ng jeep papasok. Nasa gate na si Sally, ang bestfriend ko, at hinihintay ako. Kanina pa siya chat ng chat saakin dahil naiinip na daw siya. Sinabi ko kasi na hintayin niya ako.

Mabilis lang din naman akong nakarating dahil walang traffic. Naabutan ko si Sally sa may gilid at tingin ng tingin sa cellphone niya. Tumakbo ako papunta sa tabi niya para sabay na kaming pumasok sa loob.

"Ang tagal mo." reklamo niya. Kadarating ko lang ang sungit sungit na nito agad.

"Good morning din, Sally."

Inirapan niya ako ng pabiro at inakbayan ko siya. Hinila ko na siya papasok ng gate. Nag scan kami ng ids bago pumasok at naglakad na kami papunta sa building namin.

Since senior high school na kami, doon na kami sa building sa may likod na part. At nasa third floor ang room namin. Wala kaming elevator kaya kailangan naming maghandan. Umagang umaga palang pero grabe na ang pagod namin sa pag akyat palang ng hagdan.

"Hay. Ang sakit ng paa ko." reklamo ko nang makaakyat na kami ng third floor. Finally.

Nakasunod lang si Sally saakin habang hingal na hingal narin. Buti nalang at pinabaunan ako ni mama ng inumin dahil alam niyang makakalimutan ko nanamang uminom. Kinuha ko ang tumbler ko at uminom ng tubig. Inalok ko kay Sally ang tubig at agad niyang nakalahati.

"Hoy wag mo namang ubusin."

"Magrefill ka nalang. Nasa second floor lang yung water dispenser." sabi niya at tuluyan nang naubos ang tubig ko.

Hala siya, parang kanya lang ah. Pero ganoon talaga, bestfriend ko siya eh kaya wala narin akong reklamo. Uubusin ko nalang ang pagkain niya mamaya bilang ganti.

Pumasok kami sa room na namin at agad na nakilala ang iilang pamilyar na mga mukha. Mostly sa mga classmates namin noong junior highschool ay kaklase din naman ngayon. May iilan namang mga pamilyar na mukha dahil schoolmates namin. Ang iba ay mga bago.

Naupo kami ni Sally sa gilid, malapit sa bintana. Noon pa man ay lagi na kaming magkasama ni Sally. Nagkakilala kami noong Grade 7. Transferee siya at ako ay doon na mula elementary. Malapit lang kasi yun sa bahay ng lola ko, doon kasi kami nakatira noon. Pero nang mapromote si papa sa trabaho niya, kumuha na sila ng bahay sa medyo harap ng syudad. Medyo liblib kasi ang bahay ni lola kaya medyo malayo. Hinahatid lang ako noon sa school kaya okay naman.

Ngayong senior high school na kami, lumipat kami ni Sally sa isang mas malapit na school. Akala namin makakalayo na kami sa mga nambubully samin, lalo na saakin, pero mukhang hindi parin. Dahil hanggang ngayon, nandito parin sila sa loob ng classroom na ito. Kapag minamalas ka nga naman talaga. Buti nalang at hindi nila kami pinagdiskitahan ngayon, nagwawarm up pa siguro ang tatlong yun.

Sila Megan, Ashley at Brittany ang ibig kong sabihin. Mga kaklase ko sila mula pa noong elementary kami. Pero simula noong junior highschool ay panay ang pambubully nila saakin. Bakit? Dahil in love ako sa isang artista. Si Adam Gomez.

Actually, kababata ko si Adam. Magbestfriend ang mga lola namin. Si Lola Athena, lola ni Adam, at si Lola Edith, lola ko. Matalik na magkaibigan ang dalawa kaya naman nang nag asawa sila ay nagpatayo sila ng bahay na magkalapit. Bumili sila ng isang malaking lupa at hinati ito para sakanilang dalawa. Doon nila pinatayo ang mga bahay na tinirhan nila. Doon din ako tumira buong childhood ko dahil doon narin tumira ang mga magulang ko. Para daw makatipid kami.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon