Natulala ako sa mukha ni Tita Juliet. Hindi ko masasabing nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko lang siguro inaasahan na diretsahan niyang sasabihin.

"Mukhang alam mo na 'yun ang gusto kong pag-usapan natin." dagdag niya nang wala akong sabihin.

Dahan-dahan akong tumango. Wala naman na siguro akong dahilan para magsinungaling. She's Adam's mother.

"Look, Klea, I have known you since you were a kid. I saw you grow up, into this fine lady you are today." she loosened up a bit. "Hindi ko pinapakialaman noon ang pagiging open mo sa nararamdaman mo para sa anak ko. To be honest, I found it really cute. You wanted to protect him."

Lumapit siya sa'kin bago hinawakan ang balikat ko.

"I appreciate your loyalty and sincerity, hija. After all these years, your feelings for him remained. Alam kong hindi naging madali 'yun dahil matagal kayong nagkalayo." lumunok siya.

"When he came home here months ago, I know why he wanted to be here. Ikinagulat namin ang naging desisyon niya, pero kalaunan, na-realize ko din kung bakit niya gustong bumalik dito."

She removed her hand on my shoulder. Nag-lakad siya ng kaonti sa tabi ko at nilingon ang swing set namin.

"Kinausap niya ako noon, na bumalik siya para sa'yo. Para makita ka uli." nilingon niya ako uli.

Nagulat ako sa sinabi niya at alam ko na kitang kita 'yun sa mukha ko. "Po?"

Ngumiti siya ng maliit. "Alam ko na nag-uusap kayo ngayon. My son is not that good at hiding it. I confronted him about it and he admitted to liking you."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Halong kaba, takot at kilig ang nararamdaman ko. Hearing all this from Adam's mother is too much for me to take in.

"Hindi ako tumututol, hija. Sa totoo n'yan, naiintindihan ko kung bakit ka niya nagustuhan. You are a really nice kid. I know that. I saw that. You were raised right by your parents and your Lola Edith. You're talented, pretty and kind. I want to support my son in liking you." she stopped and held my hand.

Napa-tigil ako sa pag-hinga habang hinihintay ang idudugtong niya. Alam na alam ko na may idadagdag siya.

"But, I don't think now is the right time." she squeezed my hand.

Nagulantang ako sa sinabi niya kaya ilang beses akong napakurap-kurap. Tama ba ang narinig ko?

"Ano pong ibig niyong sabihin, Tita?" inosente kong tanong.

Bumaba ang tingin niya sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't take this the wrong way, hija. I know you both want to be together, but now is really just not the right time. Adam's career is still at it's peak. Nagsisimula palang kami, Klea." seryoso niyang sabi.

Nalipat na rin ngayon ang tingin ko sa mga kamay namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko inasahan ang sinabi niya.

"Marami pang nakalinyang trabaho para sa kanya. He still have a lot of contracts he needs to fulfill and we're not even halfway done. This contract with Monica just started and we have a lot of projects in line for them. It's not ideal to have any other relationship outside the contract."

Dahan-dahan akong napatango. "Ganoon po ba."

"I hope you understand, Klea. Kaya ikaw ang gusto kong maka-usap tungkol dito ay dahil alam ko na makikinig ka. Naiintindihan mo naman, 'di ba?" nag-angat siya ng tingin sa'kin.

Napa-buntong hininga ako bago tumango. "Opo. Naiintindihan ko po."

She squeezed my hand again. "I knew you would. Thank you for listening, hija. Hindi talaga nagkamali ang anak ko sa pagkakagusto sa'yo. I really hope you can still wait for now. Nakapaghintay na rin naman kayo ng anim na taon, saglit nalang ang mga susunod. You managed to keep your feelings intact even when you haven't seen each other for years, I believe you can still keep it now that you have a connection. Kung kayo, kayo hanggang dulo, 'di ba?" she smiled a little.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon