Nagpalakpakan ang audience pagkatapos niyang bumati. Hindi ko maitago ang ngiti ko na sobrang laki dahil sa sobrang saya. Pakiramdam ko sakin siya bumati mismo.

Pinaupo siya ng host at naupo naman siya sa upuan sa tabi nito. Malaki rin ang ngiti niya habang binabati na rin ang host.

"Good morning, Adam. How have you been?" panimulang tanong ng host.

"I've been good. I missed being in your show." he chuckled.

Napatawa rin tuloy ang host. "Kami rin, namiss ka namin dito. Well, wag na tayong magpaliguy-ligoy pa, alam namin na nandito ka para sa bago mong movie diba? Tungkol saan ba ito? Care to give us a litte hint?"

Napatango naman si Adam. "Sure."

And then he went on explaining a brief summary of the story of their new movie. It was about a spoiled boy living in the city. He was used to having everything he wants given to him in a snap. One day, his parents decides it was too much, so they sent him to the province so he could change. And then he meets a girl from the province and fells in love with her.

What?! May love interest sa movie? Bakit hindi ko alam yun? Kailan pa nila na-finalize yung plot? At higit sa lahat, sino ang babaeng yun?

"Wow, that sounds amazing. But we're all really curious, who will this girl be?" tanong ng host na para bang nabasa niya ang tanong sa utak ko.

Adam chuckled again at para bang nakalimutan ko saglit ang mga iniisip ko. His laugh was so good to hear. Naalala ko dati noong naririnig ko yun ng malapitan, at minsan, ako pa ang nakakapagpatawa sa kanya. Those we're good times.

But now is not the right time to think about that. Walang nakapag-sabi sa'kin na may love interest ang movie. I thought it would be like his old movies, yung mga pa-good boy movies lang. Kailan pa nila naisipan na bigyan siya ng loveteam? At sino?

"Actually, I'm still not allowed to reveal who, just wait, you'll meet her soon." he answered vaguely.

It's like my worst nightmare coming to life. Alam ko naman at some point in his career, dadating din ang panahon na maiisipan ng management niya na bigyan siya ng ka-loveteam, pero hindi ko lang talaga naisip na ngayon yun.

Maybe they thought it was the right time because he's turning 18 in a few months. So having a loveteam will not make his image bad. Pero kahit na, parang ayaw ko parin. Hindi pa ako handa.

Teka, kelan ba naman ako magiging handa para doon diba? It's not like I have control over that decision. Sa management ang desisyon na yun dahil sila ang may hawak ng kontrata niya. Ano bang laban ko doon eh isa lang naman akong hamak na fan.

The interview ended and I was really feeling down when we went back to our classroom. Napansin din si Sally ang pagiging tahimik at malungkot ko. Pero wala siyang sinabi at hinayaan niya lang ako. Siguro'y hinihintay niya na ako ang magsabi sa kanya mismo.

We went on with our remaining classes in the morning until it was already time for our lunch break. I got my bag and went out of our room to get to the back of the building.

Hindi na kami sa cafeteria kakain ni Sally, tutal ay may mga baon naman kami, doon na kami kakain sa likod ng building kung saan may mga stone tables para hindi na kami makikipag-sikikan sa mga tao sa cafeteria.

Sabay kaming naupo sa isang table, magkatapat kami ni Sally.

"Huy, ano ba talagang nangyari sa'yo? Kanina ka pa tahimik d'yan ah." hindi na nakatiis si Sally at tinanong na nga ako.

Humugot ako ng malalim na hininga at napasimangot. "Si Adam kasi, magkaka-love team na siya." malungkot kong wika.

Napataas ag kilay ni Sally sa sinabi ko. "And so?"

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon