Pumasok na rin ako sa bahay pagkatapos at doon nalang muna naupo. Kinakalma ko pa rin ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito kanina habang pinapanood si Tita Juliet na palapit sa bahay namin.

Ilang oras pa ang nagdaan bago naka-uwi sila Mama, Papa at Lola Edith. May dala silang mga bulaklak na sa palagay ko ay dadalhin namin bukas sa puntod ng Lolo ko. Sinalubong ko sila sa pinto para tulungan sa mga pinamili nila.

"Wala ba ang Ate mo?" tanong ni Mama nang kunin ko sa kamay niya ang isang supot ng tingin ko ay grocery.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko po alam, Ma. Nagising lang ako kanina na walang tao dito. Hindi niyo po ba siya nakitang umalis?"

Umiling nalang siya at dumiretso na sa kwarto. Sakto namang pumasok sa Lola Edith na mukhang may tinignan pa muna sa labas.

"Nakita mo bang dumating sila Adam, apo? Nandito ng kotse nila." puna niya.

Nag-iwas ako ng tingin bago sumagot. "Ah. Si Tita Juliet lang po ang nakita kong lumabas ng kotse. Napansin ko po kanina noong lumabas ako."

Napa-tango si Lola at iniwan na rin ako. Si Papa naman ay naupo na muna sa sala. Pinanood kong umalis si Lola sa harap ko bago naupo katabi ni Papa.

"Kumain ka na ba, anak?" tanong niya.

"Opo. Kanina po." sabi ko nalang.

Naka-on ang TV kaya pareho kaming nakatingin doon. Wala na rin naman siyang sinabi kaya tahimik lang kaming nanonood. Isang Saturday show and nagpe-play at mukhang may special guest sila. Nandoon na sila sa segment kung saan ang guest ay kasama sa mga palaro.

"Please welcome, our special guest today is non-other than, the rising Teenage Sweetheart, Monica Salazar!" rinig kong pakilala ng host bago nalipat ang camera sa banda ni Monica.

She waved at the camera and walked to where the host is. Nagbatian ang dalawa bago siya hinayaan na bumati sa mga nanonood.

"Hi, everyone! I'm so excited to be here today." she waved at the camera again.

She looked really pretty even when she's only wearing a simple crop top and high-waisted jeans. Naka-heels siya para naman hindi ganoon ka-simple ang suot niya at naka-ayos ang buhok niya sa isang malinis na ponytail. Her skin looks flawless on screen and I know that she looks the same even in person.

"Maganda talaga ang batang ito, ano, Klea." rinig kong comment ni Papa sa tabi ko.

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya habang nakatingin sa TV. Hindi ko tuloy napigilan ang mainis ng konti, and I don't even know why.

Nag-iwas ako ng tingin at binalik ang atensyon sa TV. The host was instructing Monica on what she will do and she was listening. Tumatango-tango siya tuwing may sasabihin ang host at kita sa mukha niya ang matinding concentration. Even her mannerisms looks elegant. How is that even possible?

Nagsimula na ang laro at may mga kasama rin naman siya na maglalaro pero naka-focus ang camera sa banda niya. When the games started, she immediately moved in a fast, but elegant motion. Ni hindi nagulo ang buhok niya at poise na poise pa rin ang bawat galaw niya. Hindi ko na rin napigilan ang mamangha. She looks really good in everything she does.

Natapos ang laro at nanalo siya. Nanalo siya kahit na hindi kita sa mukha niya na nahirapan siya. She did everything gracefully and with poise but she still won. Ang laki tuloy ng ngiti niya nang tanggapin ang maliit na trophy mula sa host. We can even hear her small giggles on the mic she's wearing. I had to look away for a second because I can feel something build inside me. Binalik ko rin ang tingin sa TV, sakto lang sa pag-hingi ng host ng maliit na mensahe mula sa kanya.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon