Christmas is one of my favorite holidays, because of so many reasons. First of all, there's no school until the start of the next year, which means, Adam and I can play around all day together, without worrying about school works.
Second, our parents organize a simple Christmas eve celebration which allows our families to bond over baking cookies, cooking Noche Buena foods and opening pre-Christmas gifts. And on Christmas day, our families go to church together and spend the day out, visiting our Lolo's graves and just laughing and bonding.
When Adam's family left, all of that changed. I always spend the days watching any updates about him. Ate Kath and I only open gifts on Christmas day and we never sing Christmas caroles anymore.
We still go to church every Christmas, but after visiting Lolo Eric's grave, we just go straight back home.
Hindi naman ako nagrereklamo, dahil kahit papano naman ay nag-e-enjoy ako kasama ang pamilya ko tuwing lalabas kami. Ate Kath and I grew closer, dahil kami nalang ang laging magkasama at magkalaro noon.
Mas naging attentive din naman sila Mama at Papa samin simula nang mas lumaki kami dahil ilang taon din silang naging busy sa negosyo, kaya ngayon, bumabawi sila.
Ayos na ako sa set up namin tuwing Pasko, pero para akong hindi mapakali nang sabihin ni Adam na uuwi siya dito sa Pasko at mag-se-celebrate uli kami ng magkasama. Hindi ko nga lang alam kung pati ba mga magulang niya ay kasama pero sa ngayon, ayos na ako kahit siya lang.
Hindi ko pa rin kasi alam kung paano pakikitunguhan si Tita Juliet pagkatapos ng usapan namin noon. Nararamdaman ko rin na parang iniiwasan niya ako. Alam ko dahil iniiwasan ko rin naman siya.
Para bang naging awkward na kami sa isa't isa. Parang dati naman, isa rin siya sa nang-a-asar sa'kin tuwing masyado kong napapakita ang nararamdaman ko para kay Adam. Minsan nga ay tinutulak niya pa si Adam sa'kin at kapag nakita nila na pumupula ang pisngi ko ay nakikisama siya sa tawanan at asaran.
Ngayon, pareho na kaming hindi mapakali tuwing magkikita. Para bang may isang malaking pader siyang binubuo na para sa'kin lang.
Ayoko namang mag-overthink, pero 'yun talaga kasi ang nararamdaman ko. Kahit pa sinabi niya na wala naman sa kanya na gusto ko ang anak niya at na gusto rin ako nito, hindi na kagaya ng dati ang turing niya sa'kin.
Hindi ko nga lang sigurado kung ayos lang ba sa'kin 'yun, o ngayon ay wala na akong pakialam. Basta alam ko na gusto din ako ni Adam, kahit pa hindi kagaya ng pagkaka-gusto ko sa kanya, ayos lang ako.
Wala naman din ginagawa si Tita Juliet na kung ano para masira kami kaya tingin ko ay ayos lang naman. Normal naman siguro ang nararamdaman niya bilang magulang. Kung siguro may alam din ang mga magulang ko tungkol dito, ganoon din siguro ang mararamdaman nila. Naalala ko tuloy si Papa.
Pinilig ko ang ulo ko dahil mukhang kanina pa malalim ang iniisip ko. Nanonood kami ngayon ni Adam ng isang pelikula dahil bukas na ang alis niya patungong Manila. Sa Martes pa naman ang flight nila pero kailangan niya pang mag-impake.
"Klea?" tawang niya sa'kin.
Napalingon ako sa kanya. Nagtaas ako ng dalawang kilay.
"Tapos na 'yung pelikula. Nakatitig ka pa sa screen. Ayos ka lang?" puna niya.
Napalingon tuloy ako uli sa TV at nakitang credits nalang ang lumalabas. Mukhang lumalim ng lumalim ang pag-i-isip ko, hindi ko namalayan na tapos na pala ang pinapanood namin.
I tried to mask my embarrassment with a laugh. "Sorry, medyo napalalim lang ng iniisip."
Napakunot ang noo niya. "May problema ba?"
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...