Nagdaan pa ang ilang araw at halos patapos na kami sa preparations. Dumating na kahapon ang mga gowns na susuotin ko at pare-pareho kami nila Mama at Ate Kath na namangha sa mga ito.
I have 3 gowns to wear in total. The first one will be the main gown I will wear when I'll be introduced. It was a purple asymmetrical ball gown. It has sparkles all over the waist and down. It looked like one of the gowns in that barbie movie I loved when I was a kid. The second one is what I'll wear for the performance, it was black cocktail gown with a sweetheart neckline. The last one is for the after party, and it was my favorite out of all the gowns. It's a champagne colored long gown with cute ribbons on each strap and it has a mesh covering the whole back. It looks really comfortable to wear. Yun din ang naisip ko noong sinusukat ko ito sa shop noong isang araw.
Halos patapos na rin sila Adam sa pagshu-shoot. Malapit na silang bumalik sa Maynila para doon na ituloy ang ilang scenes. Ang sabi naman ni Adam ay aabot pa naman ang schedule nila sa party kaya confident siyang makakapunta. Yun nalang ang pinanghahawakan ko.
Dahil patuloy ang shoots nila, at mukhang nandoon na sila sa scenes kung saan na-i-in love na sila sa isa't isa, hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng puso ko. Kung hindi siguro kami nagkaka-usap at hindi ko alam ang iniisip niya, baka hindi ko kayanin. Pero dahil kahit papano ay nakakapag-usap pa naman kami, hindi ako ganoon naapektuhan ng mga balita tungkol sa kanila.
Monica and Adam's team up is everyone's talk of the town. Halos lahat ng tao ay hinihintay ang pagsasama ng dalawa sa pelikula. This is the first time Adam is being paired with someone and everyone is curious on how he will handle it. Kilala siya dahil sa good boy image niya. Gustong malaman ng lahat kung mapapanatili ba niya ang imahe na ito o may magbabago ba sa kanya.
Sa tagal na rin kasi ni Monica sa industriya, naipares na rin naman siya sa iba kaya hindi na bago ito para sa kanya. Ine-expect na ng lahat na kayang kaya niya ito. Wala ng masyadong expectations sa kanya kaya nagiging malaki ang expectations para kay Adam.
Hindi ko nalang yun tinatanong sa kanya tuwing nag-uusap kami dahil as much as possible, ayokong pag-usapan ang tungkol sa tambalan nila. Para rin kaming may hidden agreement tungkol doon. Wala ni isa sa amin ang nagbi-bring up ng usapan na yun. Unang-una sa lahat, ayokong pag-usapan yun dahil hindi ko gusto na pag-usapan ang pagkakapares niya sa ibang babae. At parang alam niya rin naman ang tungkol dito dahil hindi niya kailan man naisip na pag-usapan ito.
Alam kong wala naman na talaga akong magagawa tungkol sa tambahalan nila. Kung ano man ang mayroon kami ni Adam ngayon, sapat na ito sa'kin at hindi ako maghahangad ng sobra pa, pero ayoko rin naman na magpaka-martyr at harap-harapang suportahan siya na ipares sa iba. Hindi ko kakayanin.
"See you sa party." bulong kong paalam kila Katie. Isa sa mga kaibigan ko na invited sa debut ko. She smiled at me and just waved her hand.
Hinintay ako ni Sally habang pinapaalalahanan ko ang ilan pang kaibigan tungkol sa party bukas ng gabi. Ngayon ang birthday ko at bukas ng gabi ang party. Aalis kami nila Mama mamaya para mag-dinner sa labas bilang pre-birthday celebration. Panay ang text ni Mama sa'kin ngayon habang palabas kami ni Sally ng gate. Sinisigurado niya na maaga akong uuwi dahil maaga ring uuwi sila Papa at Ate.
Nag-reply na rin naman ako sa kanya kaya alam niya na pauwi na kami. Nasa gilid ko si Sally habang naglalakad at patuloy siya sa pag-kwento tungkol sa mga mangyayari bukas ng gabi. Alam ng lahat ng invited sa party ko ang pag-punta ni Adam dahil nakita nila ang pangalan niya sa invitations, kaya naman grabe ang pag-yayabang ni Sally dito. Parang siya ang may party kung maka-pasikat sa iba. Yun ang bukang bibig niya buong araw. Pinipigilan ko lang siya na wag ipagkalat kila Megan ito dahil ayoko ng gulo. Buti naman at wala siyang sinabi dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/234623459-288-k292750.jpg)
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...