Thank you for making it this far with the story. I know it's not perfect, but I am really trying my best for this. I have learned a lot in this journey, and I can't wait to move on to the parts of the series. I really enjoyed writing the first part of Klea and Adam's story. Please stay tune for the next. This Epilogue will be a glimpse of what the book 2 holds, as well. Enjoy!
➳♡∞
It's been more than a month since Monica and Adam admitted to being in a relationship, for real. Everyone cheered and congratulated them. I didn't know if they expected it, but the amount of support they got after, tripled.
Now everyone are excited to see them on national television, everyday, on primetime slots. The plot also intrigues everyone because this is the first time they are doing something like this.
Noong unang beses akong lumabas ng bahay simula noon, halos bawat sulok ng school, 'yun ang pinag-uusapan. Bukang bibig ng lahat ang naging rebelasyon ng dalawa noon at marami ang natuwa, nagulat at nainggit. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Hindi ko magawang matuwa dahil hindi ko kayang maging masaya habang alam ko na may ibang babae ang gusto ng mga tao para sa kanya. Ako dapat 'yun. Ako dapat ang tinatawag nila na girlfriend ni Adam, pero hindi. Hindi ako 'yun dahil hindi pwede. Hindi ako pwede.
Hindi ko rin masasabi na nagulat ako sa balita na iyon dahil simula palang naman ay alam ko na. Kahit hindi naman direktang sinabi sa'kin at bigla ko lang narinig noong dumaan ako sa conference room nila, hindi pa rin noon matatakpan ang katotohanan na alam ko. May alam ako kahit paano.
At gaya ng mga nauna, hindi ko rin magawang mainggit dahil ako naman ang nagtulak sa kanya na sundin ang utos sa kanila. Ayaw naman niyang gawin 'yun, e. Pero ginawa niya. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit bigla siyang pumayag. Dahil ba sa'kin? Na-realize niya ba na tama ako o talagang nagustuhan niya na si Monica?
Hindi ko na alam kung pag-arte pa ba ang ginagawa nila tuwing may camera na haharap sa kanila. Base sa mga tinginan at kilos nila, hindi ko na mapagkaiba ang peke sa totoo. Ganoon sila ka-convincing.
Maging sa classroom namin ay 'yun lang ang pinag-uusapan ng lahat. Hindi ko nga lang sigurado kung sinasadya ba ng lahat na pag-usapan iyon kapag nandyan ako o talagang coincidence lang na iyon ang naririnig kong pinag-uusapan nila.
Hindi rin nakatakas sa'kin ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Megan sa tuwing magtatama ang mga mata namin. Para bang pinapahiwatig niya na nanalo siya sa isang paligsahan. Pero gaya lang ng ginagawa ko dati, hindi ko nalang pinapansin.
I'm feeling so empty these days. Bukod kasi sa school-bahay na set up ko ngayon ay wala na akong ibang pinagkaka-abalahan. Kahit pa isubsob ko ang buong oras ko sa pag-aaral o sa extracurricular activities, hindi ko maramdaman ang sayang naramdaman ko noon tuwing nagfa-fangirl ako.
Hindi pa nakakatulong na wala akong ibang ginagawa ngayon dahil katatapos lang ng event namin para sa Valentine's day at ilang linggo pa bago ang midterms namin. Wala talaga akong ginagawa, kahit mga school works.
Buong buhay ko, wala akong ibang alam gawin sa free time ko kundi ang mag-fangirl para kay Adam. Kahit nga hindi na free time, basta lahat ng oras ko inaalay ko sa kanya. First time kong maranasan na hindi i-check ang kahit anong balita tungkol sa kanya, dahil kahit anong balita na mababanggit siya, paniguradong kaakibat noon ang pangalan ni Monica.
Paulit-ulit ko naman sinasabi sa sarili ko na tama ang naging desisyon ko. Totoong ayaw kong madamay sa lahat ng ito. Pampalubag loob ko nalang din na sobra sobra na ang kasikatan nila, kaya ibig sabihin lang noon ay talagang tama ang management nila sa naging publicity na iyon. At tama rin na hindi ko gusto na pumagitna sa dalawa.
BINABASA MO ANG
So Far
RomansaKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...