Naalala ko noon, laging busy ang mga magulang ni Adam. Nagtatrabaho sa isang accounting firm ang Daddy niya at ang Mommy niya naman ay sa isang business woman. Hindi ko na maalala kung anong klaseng mga business ang pinasok ng Mommy niya noon, basta ang alam ko, lagi itong busy noon.

Nang madiscover si Adam noon, nag-quit ang Mommy niya sa pagta-trabaho para matutukan si Adam sa pag-a-artista. Siya ang tumayong unang manager ni Adam bago nila ni-hire si Sir Rod. She was very hands on with Adam before. Pero kahit na nand'yan na si Sir Rod, hindi pa rin nagbabago ang Mommy niya, hands on pa rin ito sa career ng anak.

Takang-taka ako habang pinapanood ang Daddy ni Adam na binababa ang mga bag mula sa kotse papasok sa bahay ni Lola Athena.

"Klea, dalagang-dalaga ka na ah." puna ni Tita Juliet nang unti-unti itong lumapit sa'kin.

Bahagya akong yumuko at inabot ang kamay niya para mag-mano. Hinayaan niya ako habang unti-unting lumalaki ang ngiti sa kanyang labi.

Kunot-noo naman ako habang pinapanood si Tito Arthur sa pag-didiskarga ng gamit.

Nang hindi na ako makatagal, hinarap ko si Tita Juliet para makapag-tanong na.

"Dito na po ba kayo titira uli?" I asked her while raising both brows.

She was a bit shocked with my question but she later on smiled a bit and shook her head. "No, Iha. Kay Adam lang ang mga gamit na ito. Si Adam lang ang tutuloy dito pansamantala." sagot naman niya na mas nagpakunot ng noo ko.

"Bakit po? Hindi ba po, magsisimula na siyang mag-shoot ng movie?"

Tumango si Tita. "Oo, last minute changes was made and they decided to have the rest of the movie shoot here, in Adam's province."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sagot niya. Akala ko ba sa ibang lugar nila balak mag-shoot? Bakit biglang nagbago ang lugar. Bakit dito?

"Akala ko po ba sa bandang north sila magshu-shoot? Yun po kasi yung sabi ni Adam." sinilip ko ang mukha niya para tignan kung magugulat ba siya dahil nakausap ko si Adam uli.

Hindi ko sigurado kung alam nila Tita at Tito ang nararamdaman ko para kay Adam. Dahil sa dalas nilang mamalagi sa bahay ay hindi ko pansin kung alam ba nila ang tungkol sa feelings ko para sa anak nila. At hindi ko rin alam kung anong stand nila dito.

"Nakita ng director nila yung post ni Adam, yung picture ng swing sa tapat ng bahay niyo." sabay turo sa banda ng bahay namin. Napatingin ako doon at nakita ang swing sa harap. Yung kinunan ni Adam ng litrato. "They asked him where it was taken and Adam told them na dito, so they had a rush meeting and changed the location of the movie. Kaya dito na sila mag-shu-shoot."

Napatango tango ako habang nakikinig. Kaya pala biglaan nalang ang paglipat nila dito. Ang ibig sabihin ba noon, may chance na makikita ko sila sa kung saan saan dito? Maliit lang ang town proper kaya hindi nakakapag-taka kung makikita ko sila nag-shu-shoot sa kalsada o sa iba't iba lugar dito. O maging sa school namin.

Ang ibig sabihin din ba nito, kasama si... bakit hindi ko matapos? Bakit hindi ko kayang sabihin ang pangalan niya? Bakit kahit pag-mention lang ng pangalan ay nakaka-inggit na.

"So ibig sabihin po n'yan, dito din po tutuloy si...?" hindi ko pa rin matapos ang tanong pero mukhang na-gets ito ni Tita Juliet agad.

"Naku hindi! Monica will be staying in a hotel near the town, si Adam lang ang nandito para kahit papaano ay hindi naman mag-tampo si Mama. Mas gusto rin si Adam na dito mamalagi habang nag-shu-shoot sila." she answered.

Natapos ng mag-diskarga ng gamit si Tito Arthur kaya lumapit na rin siya saamin. Nagmano ako at saglit na natawa si Tito nang makita ako.

"Aba, ang laki laki mo na pala, Klea. Parang kailan lang ang liit liit mo pa at patakbo takbo ka pa dito sa tapat kasama si Adam." saglit na tawa ni Tito.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon