Ilang minuto ko ng tinititigan ang message niya. Hindi ko alam kung bakit ang tagal kong mag-reply. Isa lang naman ang sagot, Oo, okay lang kami. Ako lang naman kasi ang hindi okay. Walang mali, lahat okay lang. Pero hindi ko magawang i-type yun.
Para bang nagsisinungaling ako, hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa sarili ko. Pero matagal na naman akong nagsisinungaling sa sarili ko.
Simula ng magkita kami uli, para bang paulit-ulit akong nagsisinungaling sa sarili ko. Na okay kami, na parang kagaya lang ng dati ang lahat, na kahit ilang taon na ang nag-daan at iba ibang tao na ang nakasalamuha namin, pinipilit ko na ganoon pa rin kami.
Kahit ayokong aminin, ang totoo nyan, hindi naman talaga kami kagaya ng dati. Marami ng nag bago samin, lalo na sa kanya. Kahit pa sabihin kong nasubaybayan ko ang paglago ng career niya, mula nang nagsimula siya, hanggang ngayon, hindi ko pa rin masasabi na alam ko na ang lahat.
Hindi ko nakikita kung ano ang nangyayari sa kanya sa likod ng camera. Ngayon lang kapag nagkaka-usap kami kapag break niya. Pero hindi ko pa rin alam ang lahat.
Kahit anong gawin ko, hindi ko alam ang lahat tungkol sa kanya, kahit anong claim ko na matagal na kaming magka-kilala.
There is already a part of his life I cannot touch. I can get a glimpse of this, but that's it. I cannot touch it, nor be a part of it. That is a part of him that is so far to reach.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip kaya hindi nako nakapag-reply. Dahil na rin sa pagod kahapon at kanina ay late akong nagising. Nagmamadali akong bumaba pagkatapos kong maligo at magbihis, para makakain ng agahan.
"Oh, gigisingin na sana kita, akala ko tulog ka pa." bungad ni Mama nang makita ako.
Wala na si Ate, mas maaga pa ang pasok niya, mukhang sumabay na kay Papa. Naupo na ako sa dining area namin at nagsimulang kumain.
Umalis si Mama para maglinis sa kusina. Mamaya siya pa siya aalis para pumunta sa isang branch ng business namin.
Silang dalawa ni Papa ang namamalakad noon pero dahil may trabaho naman din si Papa, si Mama mostly ang tumitingin doon.
Nag-paalam na ako kay Mama at lumabas ng bahay. Hindi ako nakapag-charge ng phone ko kagabi kaya hindi ko tinignan muna ang cellphone ko. Isa pa, talagang male-late na'ko.
Dali dali akong umakyat sa classroom namin. Bakit ba kasi nasa third floor pa ang classroom namin?
"Huy, muntik ka na ah." sita ni Sally nang maupo ako sa upuan ko. Sakto kasing pag-upo ko ay siya ring pagdating ng unang teacher namin. Wala tuloy akong naging oras para huminga.
The day went on and I didn't get to check my phone dahil nga lowbatt ako. Sinulit ko nalang ang buong araw sa pag-aaral dahil malapit na ang prelims namin.
"May problema ka ba?" rinig kong tanong ni Sally. Inangat ko ang tingin ko sa kanya mula sa sinusulat ko.
Napakunot noo ako dahil hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako nito ngayon. Paano naman niya nalaman?
"Ha? Ano?" tanong ko para maibsan ang pagsagot agad.
"Kanina ka pa tahimik d'yan. Di ako sanay." sabi niya sabay iwas ng tingin.
Halos patapos na ang huling klase namin. Isang activity ang ginagawa namin ngayon ngayon kaya tahimik ang lahat. Bumulong lang si Sally kaya walang ibang nakarinig. Titig na titig ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Akala ko ang galing ko ng itago ang totoo kong nararamdaman dahil buong araw siyang walang binabanggit, pero mukhang kinikimkim niya lang. Ngayon niya lang nasabi dahil baka hindi niya kayang kimkimin pa. Siguro ay nagtataka din siya na hindi pa ako nagku—kwento ng tungkol sa nangyari sa birthday party ni Adam.

BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...