Mabilis na dumaan ang linggo dahil nasa bahay lang ako buong araw. Tinutulungan ko si Lola sa pagtatanim ng mga halaman niya sa tapat at ako na rin ang nagdidilig nito sa umaga. May ilan din siyang mga bagong seeds na dumating at agad namin pinagkaabalahan na hanapan ito ng mga pwesto. Ang iba ay tinanim na namin sa likod-bahay.
Hindi naman ako sobrang galing sa pagtatanim, sinusunod ko lang ang mga bilin ni Lola. Kahit paano ay nalilibang din ako dito. Yun lang ang ginagawa ko kapag hindi kami nag-uusap ni Adam. Simula nang natapos ang conference nila ay tuloy tuloy na ang promotion nila para sa pelikula. Sa darating na weekend na ang kauna-unahang mall show nila para dito at mukhang dito ang first stop nila.
Nagdadalwang isip nga lang ako kung pupunta ba ako o hindi. Alam ko kasi na maraming pupunta doon at baka may makakita pa sa'kin na mga kakilala ko at masabi pa nila na fan ako ni Adam. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kaya mas mabuting hindi niya alam. Baka pa magbago ang tingin niya sa'kin at yun ang pinaka-ayaw kong mangyari.
Noong Undas ay pumunta uli kami nila Lola sa puntod ni Lolo Eric. Kasama na namin si Lola Athena dahil bibisitahin niya rin ang asawa niya. Hindi pa rin kasama sila Adam at mga magulang niya dahil nasa Maynila sila at busy pa sa pelikula. Naiintindihan naman ni Lola Athena ito at sabi niya ay nangako daw si Adam na sasamahan siya sa susunod. Kaya panatag naman na siya.
Saglit lang naman ang itinagal namin dahil sa dami ng tao. May iba pang nakakita kay Lola Athena at nang-usisa tungkol sa pelikula ni Adam. Natutuwa naman si Lola tuwing nababanggit ang apo niya. Inisip lang namin ang kapakanan niya kaya niyaya na namin siyang umuwi. Mabuti at nakinig naman siya.
Friday na ngayon at base sa schedule nila Adam ay bukas na ang mall show nila. Kagabi pa ako kinukulit ni Sally na pumunta dahil bukas na ang balik ko sa bahay namin. Mas malapit na ako sa mall noon pero parang ayaw ko pa rin munang pumunta. Panay ang suggest ni Sally na mag-"disguise" daw ako para hindi makilala ng iba. Ayaw kong patulan dahil baka mag-mukha naman akong tanga doon.
"Ano ka ba, for sure, maraming tao doon kaya hindi ka na mapapansin. Sige na pumunta na tayo para naman masuportahan mo siya, 'di ba?" giit niya.
Magkausap kami ngayon sa cellphone habang nag-i-impake uli ako. Pwede ko naman gawin 'to mamaya pero wala na rin kasi akong ginagawa kaya inaayos ko na ngayon. Pero kahit na anong sabi ko kay Sally na may ginagawa ako ay hindi pa rin niya ako tinitigilan sa pangungulit. Parang kailan lang ay tutol na tutol siya sa pagiging fan girl ko tapos ngayon siya pa itong nagyayaya.
"Hindi ko alam, Sally."
Napa-buga siya ng hininga bago nagsalita uli. "Ano, natatakot ka ba na hindi ka niya pansinin kung sakaling makita ka niya?"
Ikinagulat ko ang tanong na yun dahil kahit paano ay tama siya. Ganoon na nga siguro niya ako kakilala. Hindi ako sumagot agad kaya naman dinugtungan niya na ito.
"Klea, dapat nga hindi ka na nag-iisip ng ganyan. Hindi ba sinabi niya na sa'yo na gusto ka niya. Kung makikita ka niya doon, siguro naman kahit paano papansinin ka niya." patuloy niyang sabi.
Oo, at maaaring may posibilidad na hindi nga niya ako mapansin sa dami ng tao. At kung nasa malayo lang naman kami talagang hindi niya na kami mapapansin. Pero kung sakali man na mapalapit ako sa kanya, at makita niya ako, anong kasiguraduhan ko na papansinin niya ako? Paano kung sabihin natin na papansinin niya nga ako, anong iisipin ng mga tao sa paligid noon? Magagalit ba sila, magtataka, mang-ba-bash? O paano kung hindi nga niya ako pansinin, uuwi nalang akong luhaan? Hay, ewan ko.
"Hindi ko talaga alam, Sally. Basta ayoko munang pumunta." giit ko.
Napa-buntong hininga si Sally at binabaan nalang ako. For sure, tatawag yun mamaya para mangulit nanaman. Tinapos ko nalang ang pagliligpit at naisipan na bumaba na muna para tulungan si Lola. Sa tingin ko ay nagluluto na siya n'yan ng tanghalian.

BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...