Tahimik ang lahat habang hinihintay akong sumagot. Lahat ay nanonood at ang iba ay nagbubulungan na. Tumayo si Sally kaya naman nalipat ang tingin namin sa kanya.
"Ano nanaman 'yan, Megan? Bagong taon na, hindi ka pa rin nagbabago?" tunog naiinis na sabi ni Sally.
Nagtaas ng kilay si Megan sa kanya. "Pwede ba, hindi naman ikaw ang kausap ko."
Napakuyom ng kamay si Sally at mukhang susugod na pero pinigilan ko siya. Tinignan niya ako na para bang pati sa'kin ay naiinis na siya. Inilingan ko siya ng bahagya para pigilan siya, dahil baka ano pang mangyari. The last thing I want is for her to be reprimanded just because she's sticking up for me.
Tumayo na rin ako para harapin si Megan. "Saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?" tanong ko sa kanya.
She smirked before showing me her phone. "May mga kumalat na pictures nila ni Monica sa ibang bansa. They celebrated Christmas together, with their parents."
I squinted my eyes to try and see the photos she was showing, and I easily recognized Monica from it, but I can't see clearly if she is indeed with Adam. Because first of all, I know they didn't celebrate together. He was with us the whole holiday and I know it's not a figment of my imagination.
Second, this is Megan. I can't just believe everything she says, not after she nearly ruined Adam's career by dragging me into his life. I can't trust her.
Kung saan man nakuha ni Megan ang mga litratong ito, alam ko na hindi totoo 'yun. Dahil may alam ako na hindi niya alam. Pero hindi ko siya bibigyan ng kahit anong pwedeng magbigay sa kanya ng ideya.
"Mukhang nagiging mas fan ka na, kaysa sa'kin, Meg. Tignan mo, mas alam mo pa 'yan, habang ako hindi ko man lang nabalitaan 'yan sa ibang fanpage ni Adam."
Nakita kong umirap siya. "Oh come on. Baka naman ayaw mo lang tanggapin na tuluyan ka nang nawawalan ng pag-asa."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ay may nasapol siya. At mukhang napansin niya ito.
"Tama ako 'di ba? You don't want to accept the fact that he's being paired to someone because you still think that after all these years, babalik siya dito at ikaw pa rin ang pipiliin niya. Well, guess what, Klea, itsapwera ka na dahil may ibang babae nang para sa kanya. Kailangan mo nang gumising sa pag-iilusyon mo." sunod-sunod niyang sabi.
Nag-iwas ako ng tingin, medyo nahiya dahil narinig ng lahat ng classmates namin ang sinabi niya. Hindi naman ako natatakot na marinig nila na mahal ko si Adam, dahil open naman ako tungkol doon. Siguro ayaw ko lang na isipin nila na wala akong ibang pwedeng isipin kundi ang magkatuluyan kami ni Adam.
Megan seemed to make people think that all I think about is being with Adam. That now that there's someone else in the picture, I can no longer function well. But she's wrong. Mali siya. Maling mali siya.
"Bakit ba ang big deal sa'yo nito, Megan?" rinig kong tanong ni Sally.
Napatingin ako sa kanya at nakitang mukhang kanina niya pa pinapanood si Megan.
"May ginawa ba siya sa'yo? Bakit galit na galit ka na fan ni Adam si Klea?" dugtong niya.
Mas nanlisik ang mga mata ni Megan sa tanong na 'yun. Natigilan ako dahil maging ako ay nagtataka din. Hindi ko rin kasi alam kung kailan nagsimulang maging ganito si Megan, nasanay nalang ako pagkatapos ng ilang beses na pang-aalaska niya.
"You weren't there, Sally. Elementary days, lagi nalang silang magkasama. Kahit na gusto ko rin na makipag-laro sa kanila, lagi nila ako iniitsapwera, dahil pwede na daw na silang dalawa lang. She acts like she owns him. Na walang ibang taong pwedeng makipagkaibigan sa kanya, kundi siya lang. We could've been really good friends, but she wanted to keep him all to herself."
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...