Bumalik kami sa classroom ni Sally na malaki ang ngiti ko. Sobrang saya ko na halos umabot na sa tenga ang ngiti sa bibig ko.

Sally was shaking her head when she saw my smile earlier, pero sanay na siya kaya hinayaan niya nalang ako.

Adam's post got a lot of comments asking where the photo was taken and who was he pertaining to on the caption. Hindi naman sa assuming ako, pero malakas ang pakiramdam ko na para sa akin ang post na yun. Ambisyosa ba? Hindi naman siguro. Ako lang naman kasi ang matagal niya ng hindi nakakasama at nakakausap, tapos sakto pa na kakakita lang namin noong weekend kaya may possibility talaga na para sa'kin ang post na yun, o may kinalaman sa'kin.

Hindi ko nalang muna masyadong inisip yun at baka maapektuhan pa ang mood ko kapag inisip ko. Masyado akong masaya para isipin pa yun.

Sabay kaming pumasok sa classroom ni Sally at naabutan namin sila Megan, Brittney at Ashley sa gitna ng classroom, nagme-make up at nag-aayos ng buhok nila. Anong meron?

Sabay na nag-angat ng tingin ang tatlo samin. Napansin ko na tumaas ang kilay ni Megan nang mapansin ang malaking ngiti sa labi ko. She tilted her head to the side while wearing this annoying, arrogant smile on her face. Hindi ako nagpa-apekto sa tingin niyang yun at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pwesto ko.

"Ang saya mo yata ngayon, Klea? May fan signing event ba si Adam?" rinig kong sabi niya sabay tawa nilang tatlo.

Napairap ako at nilingon siya. Hindi napawi ang ngiti ko at hindi rin nagpa-apekto si Megan sa naging reaksyon ko.

"Ano naman ngayon para sa'yo kung meron nga? Bakit, pupunta ka?" balik ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at saglit na tinignan si Brittney. "Bakit naman ako pupunta? Hindi naman ako kagaya mo na obsessed." at nagtawanan sila uli.

Hinayaan ko sila at nagkibit-balikat nalang ako. "Okay." at tinalikuran ko na sila.

Nagpatuloy sila sa pang-aasar pero hindi ko na sila pinatulan. Gaya ng sabi ko, walang makaka-apekto sa masayang mood ko ngayon.

Umuwi kami pagkatapos ng lahat ng klase sa araw na yun. Medyo maraming homeworks ang binigay samin kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko para simulan na ang mga yun. Ayaw na ayaw ko pa man din ang nagka-cram.

Nilatag ko ang mga gagawin ko sa study table. I have 3 essays I need to finish tonight. Ano kayang nakain ng mga teachers namin at puro essays ang mga pinapagawa nila? Feeling ata nila, hindi nauubos ang mga salita sa utak namin. Ang hirap kaya mag-isip ng isusulat mo, lalo na pag may word count pa. Kaysa mag-focus sa mismong topic, magwo-worry ka pa kung aabot ba siya sa word count na required.

"Hay, paano ba 'to?" iling ko habang tinitignan ang lahat ng kailangan kong gawin.

Nagliwanag ang mukha ko nang maalala na may kilala nga pala ako na mahilig magbasa ng libro, at for sure, may idea siya tungkol sa kung anong pwede kong isulat. Wala pa namang pasok si Ate kaya for sure hindi pa naman siya busy.

Bumaba ako sa sala para hanapin si Ate. Naabutan ko siyang palabas galing ng kusina. May dala siyang isang bag ng chips at softdrink. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Mukhang manonood siya ng movie.

Nilapitan ko siya at nginitian. "Ate." tawag ko.

Umatras siya ng bahagya. "Bakit? Anong kailangan mo?"

Mas lumaki ang ngiti ko dahil alam niya na agad na kaya ako lumapit sa kanya ay dahil may kailangan ako. Alam ko naman hihindi si Ate sa'kin.

"Patulong naman. May gagawin kasi akong essay. Hindi ko alam anong isusulat."

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon