Matagal akong natulala sa TV pagkatapos ng mabilis nilang interview. Tapos na silang kausapin at nakapasok na sila sa loob ng airport pero nakatitig pa rin ako sa screen. Gulat at parang ayaw tanggapin ng utak ko ang narinig ko kanina.

Tama ba ang narinig ko? Lagi siyang pinagluluto ni Adam? Kailan pa? Anong mga klaseng pagkain na ang naluto niya? Bakit niya pinagluto si Monica?

Ang daming tanong sa isip ko. Parang kusa ng pumutok ang bula na iningatan ko nitong nakaraan. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin.

Alam ko na pwedeng wala lang naman 'yun. Alam din naman ni Monica ang tungkol samin kaya pwedeng sinabi niya lang 'yun para walang maghinala sa kanila ni Adam ng kung ano, pero sa pagkakasabi niya noon, para talagang komportable siyang sabihin 'yun. At confident din siya na sabihin 'yun dahil alam niya na totoo.

So, ibig sabihin talaga nito, naipagluto na siya ni Adam. Hindi isang beses, kundi maraming beses na. At ako, kahit gaano ko na katagal na alam na mahilig siyang magluto, isang beses ko palang natitkman ang luto niya.

"Klea?" tawag ni Sally.

Napakurap ako bago siya nilingon. Medyo nangawit din ang leeg ko dahil sa kakatitig sa screen.

"Hmm?" I hummed a what.

"Ayos ka lang?" maingat na tanong niya.

Natulala ako sa mukha niya bago tumango. "Oo naman. Ayos lang." wala sa sarili kong sabi.

Bumuntong hininga siya. "Wag kang magsinungaling sa'kin. Kilala kita." seryoso niyang sabi.

Bumagsak ang balikat ko. "Wala naman akong magagawa doon." pag-amin ko.

"Wag ka nang magselos d'yan. Ganoon talaga. Magka-partner sila sa harap ng camera. Kailagan nilang gawin 'yun. Hindi mo kailangan mag-isip ng masama doon."

Tumango ako dahil tama siya, pero sa totoo lang, hindi naman 'yun ang iniisip ko. Natanggap ko naman na loveteam sila at na maraming tao ang sumusuporta sa kanila, habang nasa dilim ako. Nasa likod ng camera at laging patago. Pero hindi 'yun ang dahilan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman.

Natigilan si Sally habang nakatingin sa'kin. Para bang may bigla siyang na-realize sa ekspresyon ko.

"Unless, hindi 'yun ang iniisip mo." konklusyon niya.

Napatikom ako ng bibig dahil ayokong aminin sa kanya. Parang ang petty kasi sa isip ko, paano pa kapag sinabi ko.

Tinagilid ni Sally ang ulo niya habang nakatingin sa'kin. Para bang may ideya na siya sa kung ano ang iniisip ko.

"Hindi niya pinagluluto si Monica sa harap ng camera." wika niya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Nag-iwas ako ng tingin dahil baka may kung ano pa siyang makuha sa ekspresyon ko. Pero para bang tama na ang nakuha niyang impormasyon para malaman kung ano ano pa ang nasa isip ko. Ganoon niya ako kakilala.

"Anong gagawin mo n'yan? Sasabihin mo ba sa kanya ang nasa isip mo?"

Nagkibit balikat ako dahil totoong hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oo at nangako ako sa kanya na kung may kakaiba man akong mararamdaman sa kanila ni Monica ay sasabihin ko agad sa kanya, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung may karapatan ba ako na magsabi sa kanya tungkol doon.

May pakiramdam ako na kung ano man ang mayroon kami, may limitasyon ito sa kung ano ang mga dapat at hindi namin dapat gawin o sabihin sa isa't isa. Hindi ka mag-boyfriend at girlfriend. May nararamdaman kami sa isa't isa, pero hindi sapat 'yun para umakto ako na parang pagmamay-ari ko siya.

Mahal ko siya, pero hindi 'yun sukatan para angkinin ko siya. Matagal ko siyang hinintay na bumalik, makasama uli at ngayon na nangyayari na ito uli, alam ko na wala pa rin ako sa lugar kung saan pwede na akong makampante na dito nalang siya uli.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon