Ilang minuto kaming magkayakap sa harap ng swing bago ko siya naramdamang gumalaw.

"Is everything okay?" he asked gently.

I hummed a yes. He chuckled and stroked my hair gently.

"Alright."

Dahil naramdaman ko na rin siyang gumalaw, unti-unti na rin akong kumalas. Hinarap ko siya at naabutan ang isang malambot na titig mula sa mga mata niya. He seemed really careful like he knows something's up but he doesn't want to ask me.

Ngumiti ako at niyaya siyang maupo sa swing. Tumunog ang bakal dahil sa pag-upo namin pero hindi na rin naman ako nag-alala na maririnig ni Lola 'yun dahil malayo naman kami sa mga bahay.

"Bakit mo nga pala gustong makipag-kita dito?" tanong ko naman.

Ramdam ko pa rin ang titig niya sa'kin bago sumagot. "I just felt like we didn't get to talk that much earlier. And also, I just want to be with you, just us."

Natigilan ako dahil doon. Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakitang titig na titig siya sa'kin. Nakaramdam ako ng hiya pero ayoko munang masyadong isipin. Gabi na rin naman at hindi niya kita ng maayos ang mukha ko.

"Hinawakan mo naman yung kamay ko kanina..." paalala ko.

Napa-ngisi siya na para bang may na-realize siya sa sinabi ko. "Yeah, I know. And you hugged me just few minutes ago." he sounded teasing.

Doon ako napa-iwas ng tingin dahil naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Akala ko ba ayaw mong isipin 'yung hiya mo? Adam naman kasi, eh.

"Wala 'yun. Wag mo na ngang i-bring up 'yun." iling ko.

Narinig ko siyang natawa pa kaya mas naramdaman kong mas uminit ang pisngi ko.

"I don't think so. I will bring that up every chance I get." he teased again.

Gulat ko siyang tinignan at bakas pa rin sa mukha niya ang amusement sa nangyayari. Bakit ko nga ba kasi siya niyakap?

"Tss." irap ko. "Niyaya mo lang ata ako dito para asarin, eh." reklamo ko.

"Well, that's true, but I didn't expect that hug earlier so I wasn't sure how to tease you. But I guess now I hit the spot." he chuckled again.

Napa-pikit na ako sa sobrang inis sa sarili. Of course, hindi naman ako magagalit kay Adam dahil ako naman talaga ang may kasalanan dito. Bakit ko pa kasi naisip na yakapin siya ng biglaan. Parang ewan naman kasi.

"I won't ask why you did that, I'm just happy you did. Kasi kung hindi mo ginawa, for sure, ako ang gagawa." dagdag niya.

Napa-dilat ako bago lumingon sa banda niya. Parang may kung anong mainit na hangin ang umihip sa tyan ko at ngayon ay parang hinahagod ako nito sa isang malumanay na paraan. I didn't know I could feel so calm right now hearing him say all these things. It still feels surreal.

"Hindi ko lang ginagawa dati dahil ayokong isipin mo na nagmamadali ako."

Napakurap-kurap ako at sinubukang mangapa ng sasabihin. Pero wala kahit isang lumabas sa bibig ko.

"I know I've been away for six years and it's not fair for me to expect that just because I came back, your feelings will stay the same. I have to earn the right to deserve you, so I will wait, for as long as it takes, because I know my feelings for you will never change."

He held my hand and squeezed it lightly. Somehow, I felt that in my heart. Nangilid pa ang luha sa gilid ng mga mata ko kaya sinubukan kong pigilan na maiyak. He really knows the right words to say.

"I am not pressuring you to say anything right now. Kuntento na ako sa kung anong meron tayo ngayon." ngiti niya.

Tumango ako bago nag-iwas ng tingin. Wala akong sinabi dahil baka madulas ako at masabi ko na nag-usap kami ng mama niya noong minsan. Kuntento na rin naman ako sa kung anong meron kami ngayon kaya wala na 'yun sa'kin. As long as I have him in my life, I am okay.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon