"Cue, Klea and Sophia!" sigaw ng leader namin.
Natauhan ako at agad na tinago ang cellphone sa back pocket ng jeans ko. Sabay uli kaming umakyat ng stage para simulan na ang awarding. Saglit na nawala ang message ni Adam sa utak ko nang salubungin ako ng masayang crowd.
"Welcome, everyone." bati ni Ate Sophia.
Napatingin ako sa kanya nang bahagya niya akong kalabitin. She tilted her head a little and she raised both of her eyebrows. Napa-ayos ako ng tayo at ngumiti.
"Yes, welcome back everyone. We hoped you have enjoyed the games because right now, we will be awarding all of the winners." I smiled back to the crowd. They reciprocated it with cheers.
Nakuha ni Ate Sophia ang pacing ko at nagpatuloy na kami sa awarding. Aaminin ko na medyo na-distract ako ng message ni Adam. It was totally unexpected. Wala man siyang ganoong explanation kung bakit ngayon lang siya sumagot sa mga mensahe ko. Basta lang niyang sinabi na naging busy siya. Naiintindihan ko naman, pero hindi ko alam bakit parang nagtatampo ako. Siguro dahil alam ko kahit paano ang pinagkaka-abalahan niya.
Pero ano nga ba talaga ang magagawa ko? Hindi ko naman siya pwedeng sabihan na wag samahan si Monica. She's part of the movie and she's paired to him. At ano bang karapatan ko na mag-demand di'ba? Sino ba ako? Isa lang akong ambisyosang fan, gaya ng sabi ni Megan.
"And for our girl's volleyball, Senior High School level winners," Ate Sophia started.
I looked at the placards on my hand and Sally's team won. Ngiting-ngiti ko siyang hinanap sa audience.
"Congratulations to our Grade 11 girls!" sigaw namin ni Ate at agad silang nagsitalunan.
Sigawan mula sa likod ang kumalat sa buong auditorium. Napatingin ako sa kanila at nakitang mga ka-batchmates namin yun. Grabe ang cheer nila habang paakyat sa stage ang mga ka-team ni Sally. Mabilis ang naging takbo niya papunta sa'kin at agad akong niyakap. Niyakap ko siya pabalik at binulungan ng 'congratulations.'
Nginitian niya rin ako bago kinuha sa kamay ni Ate Sophia ang trophy nila. Inangat niya ito at mas lalong naghiyawan ang mga ka-batch namin sa likod. Maging ang mga lalaking ka-batch namin na naglaro ay naki-sigaw. Sayang nga lang at natalo sila, pero ayos lang dahil nabawi naman nila Sally yun kahit paano.
Pagkatapos noon ay nagpatuloy naman kami sa awarding ng iba pang games. Natapos din kami ng mga alas-singko ng hapon. The event ended with a closing remarks from our Dean and we we're dismissed. Nag closing na rin kami ni Ate Sophia at kinita na ang mga ka-org mates namin sa backstage. Panay ang bati nilang muli samin at maya't maya lang ang ngiti ko dahil bumabagabag pa rin sa'kin ang message ni Adam.
Bago ako lumabas ng auditorium, nakitang kong may message ni Sally sa'kin. Niyaya niya akong lumabas saglit bago umuwi. Medyo maaga pa naman kaya pumayag ako. Nagkita kami sa may tapat lang ng auditorium. Malaki na ang ngiti niya ngayon kumpara sa tingin niya kanina. Parang wala nasa sa isip niya ang lahat ng nalaman niya kanina. Buti pa siya.
Agad namang nagbago ang ekspresyon niya nang makita ang itsura ko. Hindi ko alam kung kitang kita ba sa ekspresyon ko ang nararamdaman ko o talagang ganoon lang ako kakilala ni Sally pero wala pa man akong sinasabi, alam niya na agad.
Agad niyang inangkla ang braso niya sa'kin at hinila ako palabas.
"Wag mo na munang isipin yung kanina, kain muna tayo." ngiti niya.
Nginitian ko siyang muli bago ako tuluyang nagpahila. Hindi ko muna sasabihin na nag-message na uli si Adam. Saka na kapag nakapag-usap na kami uli. Baka kasi huling usap na rin namin 'to. Ayaw ko pa ring umuwi dahil natatakot ako na kapag nasa bahay na ako, mas lalo ko lang iisipin yun at mas lalo lang akong malulungkot. Mabuti pa ngayon dahil nandito si Sally at kayang kaya niya akong i-distract sa mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...