Nakatingin na ngayon ang lahat samin nang lumapit siya. Napa-ayos ako ng upo at natulala sa kanya. She smiled at me and glanced a bit to Sally.

"I don't think we've been introduced. I'm Monica." she introduced herself again and even offered a handshake.

Nag-da-dalawang isip si Sally kung tatanggapin niya ito pero sa huli ay nakipagkamayan din siya. "Sally."

Mas lumaki ang ngiti ni Monica. "Are you a friend of Adam, too?" tanong niya.

Umiling naman si Sally. "Kaibigan ako ni Klea."

Napatango si Monica bago binalik ng tingin sa'kin. "You must be here to support him, right?"

Ako naman ang tumango ngayon. "Yes."

She smiled again before glancing at the other side. Mukhang kalalabas lang ni Adam at ngayon ay naka-ayos na ang buhok at damit niya. He looked at us and he was quite stunned that Monica is talking to me.

"It was nice to see you again." she glanced at me again. "We have to go now. Enjoy the show." and she went near Adam.

Sinundan ko siya ng tingin at nang makalapit siya kay Adam ay agad na nagtama ang mga mata namin. Sinubukan kong ngumiti para ipaalam sa kanya na walang problema. Mukha siyang naka-hinga ng maluwag dahil doon. Kinausap pa sila ng mga staff bago sila pinag-stand by. Niyaya kami ng manager niya na tumayo at pumwesto sa may gilid para maka-panood.

Sinundan namin siya at ngayon ay naka-tayo kami katabi si Sir Rod, malapit sa technical supports. Mula sa kinatatayuan namin ay kita namin ang lahat ng tao na dumalo sa mall show. Mula first floor hanggang third floor ay punong puno ng mga tao ang buong lugar. Puno ang mga seats sa loob at nagkalat ang lahat ng tao sa labas, maging sa mga railings sa second at third floor.

Namangha kaming dalawa ni Sally nang lumabas ang host ay biglang napa-sigaw ang lahat. Talagang dumagungdong ang buong lugar sa mga sigaw nila. Ang mga grupo ng mga babae na nakita namin ni Sally kanina ang pinaka-maingay sa lahat. Nasa loob sila at nasa pinaka-unahan. Kasabay ng pagsigaw nila ay ang pagwagayway ng mga banners na dala nila. Hindi pa man sila lumalabas, ganito na ang reaksyon ng mga tao. Hindi ako makapaniwala.

Nagsimulang magsalita ang host at medyo natigil ang sigawan. May mga ilan pa rin na humihiyaw pero hindi na ganoon kalakas. Pinapakinggan na nila ngayon ang host dahil unti unti niya ng ipinapakilala ang mga mag-pe-perform. Noong una ay may isang grupo ng mga dancers ang nag-perform at kasunod ay ang mga side characters. Pagkatapos nila ay umakyat muli ang host at ilang beses na tinanong ang crowd kung handa na ba silang mapanood ang dalawang bida.

Halos mabingi ang mga tenga ko nang humiyaw muli ang lahat at mas malakas na ngayon. Rinig ko ang mumunting reklamo ni Sally na baka daw paglabas namin ay wala na siyang marinig pero hindi ko siya pinansin dahil hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa epekto nila sa mga tao. Hindi pa sila lumalabas ng magkasama, ganito na ang reaksyon ng mga tao.

"Please welcome, our Rising Teenage Sweetheart, Monica Salazar and our Ultimate Teenage Crush, Adam Gomez." pakilala ng host at mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumabas ang dalawa. Agad na kumaway ang dalawa sa lahat habang nagsisimula pa ang tugtog.

Nag-simulang kumanta si Monica.

Ilang awit pa ang aawitin, oh, giliw ko?

Ilang ulit pa ang uulitin, oh, giliw ko?

Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo

'Di mo man lang napapansin ang bagong T-shirt ko

Pagkatapos ay si Adam naman.

Ilang isaw pa ba ang kakainin, oh, giliw ko?

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon