I searched for his name for nth time. We haven't heard from them since they left few months ago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umalis na lang sila ng ganon-ganon lang. Alam ko naman na para sa kanya yun, pero masakit pa rin. Hindi lang ako nawalan ng kalaro, nawalan din ako ng karamay at kaibigan. Ngayon pa kung kailan mag-ha-high school na kami.
Wala pa ring masyadong lumalabas kapag ni-se-search ko ang pangalan niya, dahil siguro bago pa lang siya at halos kalalabas lang ng palabas niya nitong minsan. Yun ang first official project niya. Anak siya ng isa sa mga bida sa teleserye. Unang episode pa lang ay pinanood ko na agad, kahit pa pang-gabi ito ay talagang inabangan ko para lang mapanood siya.
Ni-refresh ko ang timeline ko nang may isang private group ang naka-kuha ng atensyon ko. May halos 50 lang na members sa group pero halos tumalon ang puso ko sa tuwa dahil kahit paano ay may nakakapansin na sa kanya.
Ni-click ko ang group at nag-request na sumali. Nag-generate ng ilang questions bago ako makapag-send ng request. Ni-fill-up-an ko ang mga kailangan sagutan bago ko ni-click ang send. Ilang minuto lang ay naka-pasok na ako.
Sa loob ng group ay may mga litrato siya na kuha sa mga behind the scenes ng teleserye. Lahat ng miyembro ng group at nagpapahayag ng pag-hanga sa galing niyang umarte at sa taglay na ka-gwapuhan. Lahat ata ng post doon ay agad kong ni-like.
Halos ilang oras akong scroll ng scroll sa group at may ilan pa akong nakita na mga post tungkol sa mga "facts" tungkol sa kanya. Napapakunot ang noo ko dahil may iba sa mga ito ay hindi totoo. Alam ko dahil sabay kaming lumaki. Kaya kapag may nakikita akong mali, agad kong tinatama.
Napansin ito ng admin ng group at agad na kinwestyon ang kaalaman ko.
Sigurado ka ba sa sinasabi mo?
Kumento nito sa isang comment ko. Agad akong nag-type ng reply. Syempre hindi ko sinabi na magkakilala kami sa personal. Hindi naman na nila kailangan malaman yun.
Nag-patuloy kami sa sagutan ng admin hanggang sa hindi na ata siya nakatagal at nag-send na siya ng message sa'kin. Noong una ay natakot ako dahil baka kilala niya ako sa personal pero nalaman ko na medyo matanda pala siya sa'kin kaya sumagot ako sa mga messages niya. Sinubukan kong i-justify ang mga sagot ko at na ipilit na mali ang mga sinabi niya at sa huli ay sumuko din naman siya at nakinig sa'kin.
Walang kahit isa sa mga miyembro ng grupo na ito ang mas nakakakilala sa kanya kundi ako. Lahat ng alam nila ay halos nasa ibabaw lang. Ako, alam ko hanggang sa pinaka-dulo. Nakita ko ang lahat ng yun bago pa nila nakita. Bago pa nila siya sinuportahan, nauna na akong sumuporta sa kanya. Kaya siguro, kung may karapat-dapat na maging admin, ako yun.
Dahil sa naging desisyon ko ay agad agad akong gumawa ng account na laan lang para sa kanya. Ginawa ko ang lahat para hindi ito ma-link sa mga tunay kong accounts at na maging tunay silang anonymous. Kung hindi ko na siya makikita simula ngayon, gagawa nalang ako ng paraan para kahit paano ay hindi ako malayo ng tuluyan sa kanya. Para maging updated pa rin ako at para matulungan ko siya kahit paano sa bago niyang pangarap.
Simula sa araw na ito, wala akong ibang gagawin kundi ang suportahan siya. Ako ang magiging number one fan niya. Kung may isang libong tao ang may gusto sa kanya, isa ako doon. Kung may isang daang tao ang may gusto sa kanya, kasama ako doon. Kung may sampong tao ang may gusto sa kanya, ako ang maghahakot ng siyam, at kung may isang taong may gusto sa kanya, ako yun.
Nag-iba man ang pangarap siya, may isang bagay ang hindi magbabago, at yun ay ang nararamdaman ko para sa kanya. Mga bata palang kami ay alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Kahit pa anong pilit ng ibang tao na baka crush crush lang daw ito, alam ko. Alam ko sa sarili ko na ibang iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Malalim, mabigat at malawak ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya hindi lang ito basta basta.
Lahat sila sinabihan akong "fan lang". Halos i-bully na ko ng mga kaklase ko dahil sa pagsuporta sa kanya, pero wala akong pakialam. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, hindi ako magpapatinag. Oo, may tsansa na hindi naman talaga ako ang makatuluyan niya, pero hindi ako susuko ng ganoon ganoon lang. Dahil kapag nag-ma-mahal, umaasa.
"Ma, Pa, magpapaalam po sana ako na sasama sa event para sa birthday ni..." paalam ko sa mga magulang ko nang malaman ang tungkol sa announcement para sa birthday niya.
Pangatlong birthday niya na ito na hindi ko siya kasama. Ngayon lang ako nag-paalam na sumama dahil malapit lang ito samin. Kung sasamahan nila ako, ayos lang. Basta makasama ako, okay na.
Nakita kong tumango si Mama kay Papa at hinarap ako agad ni Papa.
"Saan ba? Sasamahan kita."
Mula noong araw na umalis sila, hindi ko na siya nakita uli ng personal. Tuloy tuloy ang naging pag-angat niya sa industriya. Iba't ibang mga pelikula, teleserye, endorsements at maging commercials ang nagawa niya simula nang madiskubre siya. Mas dumami na ang taga-hanga niya, kaya naman mas lalo akong naging proud. Kahit pa ilan ang dumagdag, alam ko na ako ang pinaka-una. Walang makakatalo sa'kin.
Palayo na siya ng palayo sa'kin. Ang layo na ng narating niya. Ang dating bata na kalaro ko sa harap ng bahay namin ay halos malibot na ang buong mundo. Habang ako, nanatali sa kung saan niya iniwan. Dito lang ako, patuloy na aasa na babalik siya, kung babalik pa siya. I couldn't help but just dream of it because, right now, he's already... so far.

BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...