Naabutan ko sa labas sila Mama na mukhang hinihintay si Papa na kunin ang kotse. Medyo madilim na rin kasi dahil pa-gabi na. Kita kong nag-uusap ang dalawang Lola kasama si Mama kaya nilapitan ko si Sally.
"Didiretso ba kayo sa bahay nila Lola?" tanong niya.
Tinignan ko si Mama saglit bago tumango. "Sasabihan ko nalang sila Mama na ihatid ka na muna namin, para hindi ka na mag-commute."
Tumango siya at saglit na nilibot ang tingin sa paligid. Medyo marami pa rin kasing tao sa lugar at may iilan pang mga local media reporters dahil nasa loob pa sila Adam at Monica. Bahagya akong siniko ni Sally nang mabalik sa'kin ang tingin niya.
"Anong pinag-usapan niyo?" usisa niya.
Mas lalo akong lumapit sa kanya para walang maka-rinig ng sasabihin ko. "Mukhang uuwi pa sila kila Lola. Magkita daw kami doon mamaya." sagot ko naman.
Lumaki ang ngiti niya. "Iba talaga maging non-showbiz girlfriend, ah." asar niya.
Siniko ko siya para matahimik. Sakto namang nakarating ang kotse namin at agad na inalalayan ang dalawang Lola papasok. Katabi namin sila ni Sally dahil sa front seat na naupo si Mama.
"Ma, Pa, hatid na po muna natin si Sally." suwestyon ko.
Tumango naman si Papa na nginitian ako ng maliit mula sa rear-view mirror. Nag-pasalamat nalang si Sally sa mga magulang ko bago kami umalis.
"Mukhang magpapahanda si Juliet sa bahay. Imbitado ang ilan sa mga kasamahan nila at pupunta sila Monica at Adam." rinig naming kwento ni Mama sa harap.
Napansin ko na tumango si Lola sa gilid ko. "'Yun nga rin ang sinabi niya kanina. Mabuti at doon na muna sila matutulog ngayong gabi. Nag-aalala rin ako sa apo ko dahil mukha siyang pagod ngayong lumabas na ang pelikula." si Lola Athena.
"Doon din ba tutuloy si Monica ngayong gabi?" tanong ni Mama na lumingon sa banda namin.
Nagkatinginan kami ni Sally dahil doon. Nawala na ang excitement ko nang marinig na baka doon din matutulog si Monica ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong mangyari 'yun.
"Hindi ko sigurado. Mukhang ayaw din ni Juliet at i-ku-kuha daw ng kwarto sa malapit na hotel. Ko-kontra sana ako dahil may mga kwarto naman sa bahay na hindi nagagamit pero mas mabuti na rin siguro na mag-hotel na lang siya. Mabait naman na bata 'yang si Monica, pero masyado pang maaga para magkaroon ng balita na sa bahay siya ni Adam tumutuloy." tuloy-tuloy na sagot nito.
Kahit ayaw ko ay kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Tama rin naman ang sinabi ni Lola Athena kaya nakahinga din ako ng maluwag nang malaman na sang-ayon din sila na wag patulugin si Monica sa bahay. I don't want to sound selfish, but that's our place. 'Yun ang nag-iisang lugar sa mundo kung saan pwede kong makasama si Adam. A place we can be together without the prying eyes of everyone. A place we can call ours.
Hindi naman ito ang unang beses na bibisita si Monica doon. Naka-punta na siya noong pinakilala siya kay Lola Athena. Hindi ko lang alam kung nag-tagal ba siya noon dahil agad akong umakyat sa kwarto ko noon dahil sa lungkot.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa pelikula habang tahimik lang kaming nakikinig ni Sally. Halo-halo pa ang nararamdaman ko mula sa pelikula, sa naging interaction namin ni Adam at sa mga narinig ko kila Mama at Lola. Alam kong hindi dapat ako nagpapa-apekto dahil trabaho lang naman 'yun para kay Adam pero hindi ko makalimutan ang marahang hawak ni Tita Juliet kay Monica. Para bang may kakaiba doon na hindi kayang tanggapin ng isip ko.
Nakarating din kami sa bahay nila Sally at nagpasalamat ako sa kanya sa pagsama. Sinenyasan niya akong tatawag siya mamaya kaya tumango nalang ako. Kasama pa namin ang mga matatanda kaya hindi kami malayang mag-usap tungkol sa mga nangyari. Pagkatapos naman naming mag-paalam kay Sally ay nagsimula na kaming bumyahe pa-akyat sa bahay ng dalawang Lola.

BINABASA MO ANG
So Far
RomanceKlea has always been inlove with Adam Gomez, an actor. They were actually childhood friends because their grandmothers were bestfriends and decided to live next to each other. They grew up together and were close but drifted apart when Adam had his...