Ilang minuto pa kaming naka-tayo doon nang marinig namin na bumukas ang gate sa labas. Mula sa halamanan ni Lola ay nakita kong pumasok ang kotse namin. Dahan-dahang inalis ni Adam ang kamay ko sa dibdib niya, pero hawak niya pa rin ito. Sabay kaming lumabas at sinalubong si Papa.

"Adam, nandito ka pa pala, hijo." gulat na sabi ni Papa.

Bumaba siya sa sasakyan at sinalubong ang pagmamano ni Adam. Naka-ngiti si Papa habang hinahayaan si Adam na mag-mano, pero saglit na nalipat ang tingin niya sa kabilang kamay nito na hawak ang kamay ko. Napa-taas ang dalawang kilay niya pero wala siyang sinabi.

"Paalis na rin po ako n'yan, Tito. Baka late na po kami maka-balik ng Manila." si Adam na mukhang walang paki-alam na nakikita ni Papa ang mga kamay namin.

Nilingon ni Papa uli si Adam at tinanguan. "Mabuti naman. Mag-iingat kayo at good luck sa pelikula."

Ngumiti si Adam. "Thank you, po. Gusto ko rin po sana kayong imbitahan sa screening namin dito. Mommy ko po ang mag-o-organize."

Nilingon naman ako ngayon ni Papa bago sumagot. "Titignan namin kung makakapunta kami. Pero salamat sa imbitasyon."

Tumango si Adam at saglit akong nilingon.

"Kukunin ko na muna ang gamit ni Klea sa loob." paalam ni Papa.

Hindi na ako naka-angal dahil hindi na niya kami nilingon at diretso ang lakad niya papasok ng bahay ni Lola Edith. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Papa.

Bumuntong-hininga nalang ako at tinignan muli si Adam. Naka-ngiti siyang naka-tingin sa'kin.

"Don't worry, I already told your father." makahulugan niyang sabi.

Ano daw? Sinabi niya na kay Papa? Ang alin?

Kita niya ang pagtataka sa mga mata ko kaya naman pinisil niya ang kamay ko bago dinugtungan ang sinabi.

"When I went here before to talk to you, only your father was here so I talked to him." panimula niya.

Naalala ko yun. Yun yung araw na lumabas ang picture niya sa debut ko. Kinausap ako ni Papa noon at sinabi niya na dapat akong magtiwala kay Adam dahil wala siyang gagawin na makakasakit sa'kin. Yun lang.

"I asked him to comfort you because I couldn't. And I told him about how I feel about you."

Napasinghap ako dahil sa gulat. Napa-iwas ako ng tingin dahil hindi kinakaya ng puso ko ang mga sinasabi niya. At hindi pa nakakatulong na alam din pala ni Papa ang tungkol dito, pero wala siyang sinabi sa'kin. Ngayon hindi ko na alam paano siya pakikitunguan.

"No need to feel pressured. Hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang malaman mo na kinausap ko na ang Papa mo, pero hindi ibig sabihin noon na nag-e-expect ako ng kahit ano. I can wait, Klea."

Tinignan ko siya uli at tumango ako. Sa totoo lang, pwede ko naman siyang sabihan ngayon, dito, na hindi na dapat siya maghintay pa, pero may kung ano saakin na gusto munang kausapin si Papa at malaman ang naiisip niya. I mean, I just turned 18 and it was that long ago. Gusto kong malaman kung ayos lang ba talaga sa kanya. Kaya wala akong sinabi muna at hinayaan nalang ang naisip.

Nag-paalam na kami sa isa't isa dahil nakita namin na palabas na si Papa sa bahay na dala ang gamit ko. Sinalubong ko siya para kunin ang bag ko at narinig ko na nag-paalam na si Adam sa kanya. Nag-ngiti-an nalang kami bago ako pumasok sa passenger's seat ng kotse.

Pinanood kami ni Adam na paalis sa gate. Naka-tingin lang ako sa salamin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Tahimik nalang akong naupo sa harap. Yakap-yakap ko ang backpack ko at wala akong balak na mag-salita pa.

So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon